Cai Cortez nagtubos ng nakasanlang motor para sa lalaki: 'Kung nasaan ka man sana ine-enjoy mo yan!' | Bandera

Cai Cortez nagtubos ng nakasanlang motor para sa lalaki: ‘Kung nasaan ka man sana ine-enjoy mo yan!’

Ervin Santiago - June 22, 2023 - 07:47 PM

Cai Cortez nagtubos ng nakasanlang motor para sa lalaki: 'Kung nasaan ka man sana ine-enjoy mo yan!'

MINSAN na ring nagbaliw-baliwan ang komedyanang si Cai Cortez sa larangan ng pag-ibig na talaga namang pinagsisihan niya nang bonggang-bongga.

Knows n’yo na ba na may isang eksena raw sa buhay niya na hinding-hindi na raw niya uulitin kahit na anong mangyari at hanggang ngayon ay parang hiyang-hiya siya kapag naiisip niya.

Kuwento ni Cai sa panayam ng Kapuso afternoon program na “Fast Talk with BoyAbunda” last Wednesday, naranasan daw niya na magtubos noon ng isinanlang motorsiklo ng dati niyang boyfriend

Kasabay ni Cai na nag-guest sa talk show ni Boy Abunda ang kaibigan at kapwa komedyanang si Kakai Bautista na siyang nagbuko sa nakakalokang experience niya sa lalaki.

Pagbabahagi ni Cai, “Noong kabataan ko kasi Tito Boy parang ewan ko ba kung ano talagang gender ko feeling ko gay talaga ako.

“Nakapagtubos na ako kasi ng motor Tito Boy,” ang nahihiya at natatawang chika ng komedyana.

Baka Bet Mo: Rez Cortez sasailalim sa major surgery dahil sa problema sa liver; Cai Cortez humiling ng dasal

Sundot ni Tito Boy, “Nagtubos ka ng motor?” Na sinagot ni Cai ng, “Para sa lalaki.”

“Tubos lang Tito Boy… trenta mil,” ang hirit pang chika ni Cai.

Aminado naman siya na maling-mali ang kanyang ginawa kaya naman never na raw niya itong gagawin, “’Yan ang isa sa mga mistake na natutunan kong ‘wag nang gawin.”

Hirit pang biro ni Cai, “Kung nasaan ka man sana ine-enjoy mo and open naman ako sa pagbayad ulit.”

Sa ngayon, super happy naman daw siya sa kanyang personal life kasama ang dalawa niyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cai Cortez sa mga laiterang netizens: Tanggap kong mataba ako at sexy rin ako!

Cai Cortez ibinandera ang 2-piece swimsuit, wapakels sa bastos na body shamers: ‘Ang importante, alam kong mabuti akong tao’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending