Rez Cortez sasailalim sa major surgery dahil sa problema sa liver; Cai Cortez humiling ng dasal | Bandera

Rez Cortez sasailalim sa major surgery dahil sa problema sa liver; Cai Cortez humiling ng dasal

Reggee Bonoan - August 31, 2021 - 04:55 PM

Rez Cortez at Cai Cortez

SASAILALIM sa major surgery ang aktor na si Rez Cortez, ama ng aktres na si Cai Cortez kaya naman humihingi siya ng panalangin para sa ama.

Ipinost ni Cai ang masasayang larawan ng ama kasama ang mga apo nito sa kanya.

“Hi po! Please help us pray for daddy’s successful surgery (heart and praying emoji) dad has suspected liver cancer and he will be undergoing surgery tomorrow to remove the mass.‍ 

“I believe that daddy is strong and his love for his apos will help him recover in no time, but I also know that our prayers and well wishes can help speed things up thank you,” sabi pa ng aktres.

Napanood lamang si Rez sa Kapamilya teleseryeng “Init sa Magdamag” sa karakter na Senator Ruiz.

Nagpaabot naman ng suporta at panalangin ang mga kasamahan nila sa showbiz tulad nina Thou Reyes, Angeline Quinto, Ria Atayde, Rey Kilay, Magno Pancho, Kakai Bautista, Carmina Villaroel, Rocco Nacino, Cassy Legaspi, Candy Pangilinan, Jerald Napoles, Thia Thomalia, Sanya Lopez, Tart Carlos, Baron Geisler, Camille Prats, Direk Mae Cruz-Alviar, Lorna Tolentino at marami pang iba.
Agarang paggaling din ang aming dasal para kay Ginoong Rez Cortez mula sa BANDERA.

* * *

Sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya, binigyang-pugay ng “Pinoy Big Brother” ang mga tao sa likod ng kamera na nagsakripisyo upang maisagawa ang nakaraang edisyon ng reality show sa gitna ng pandemya. 

Hindi naging madali na maisakatuparan ang ika-15 edisyon na “PBB: Connect” dahil sa dalawang malaking balakid: ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN na nagresulta ng pagkakaalis ng maraming empleyado, at ang lockdown na dulot ng COVID-19.

Ngunit natuloy ang produksyon dahil sa “House C” ng “PBB” — binubuo ng mga staff, crew, at boss ng palabas na sumailalim din sa lock-in setup kagaya ng mga housemates ni Kuya na nasa loob ng Bahay. 

“We have to create a team for ‘PBB.’ But ‘yun nga because of what happened to ABS-CBN, there were a lot of people who were retrenched already. We didn’t know who to tap sa paggawa. 

“Thankfully, marami doon naging daan din so we can bring people back, ‘yung mga nawalan ng trabaho,” kuwento ni Marcus Vinuya, ang business unit head ng “PBB.” 

Naging daan umano ang naging pagbabalik ng “PBB” sa tulong ng live streaming app na Kumu upang mabigyan muli ng trabaho ang maraming naalis noon na Kapamilya employees. 

Pero dahil sa banta ng coronavirus, kinailangan manatili sa quarters ang mga staff ng “PBB” kada dalawang linggo. 

“It is a commitment of 14 weeks inside the house. But siyempre mahirap ‘yun for a lot of people. We have to devise a system na naka-shift siya,” ani Vinuya. 

Ngunit hindi doon natapos ang mga pagsubok sa pagbuo ng “PBB” dahil marami rin umanong mga dating staff ng show ang hindi na nakabalik pa.

Dagdag pa rito, habang tumatagal ang pag-ere ng “PBB: Connect,” unti-unting nakaramdam ng pagod sa pisikal at mental na kakayahan ang mga crew. 

“Iba pa rin ‘yung nakakauwi ka sa sarili mong bahay,” pag-amin ni Vinuya. 

Kabilang sa mga hindi nakauwi sa kanilang mga pamilya ay ang mga security guard na nakabantay sa Bahay ni Kuya.

Kuwento ni Raymund Dizon, isa pa sa business unit head ng programa ilang buwan umanong hindi nakita ng mga guard ang mga mahal sa buhay. Ngunit ayaw din nilang umalis dahil natatakot na baka mawalan ng trabaho. 

“‘Natatakot kami na kapag natapos ang ‘PBB’ wala na kaming trabaho,’” sagot umano kay Dizon ng mga ito. 

Ngunit sa huli, nanaig ang pagtutulungan ng limitadong crew ng show na mas lumalim pa ang samahan dahil sa kanilang pagsasama sa iisang bahay. 

“Kapamilya spirit pa rin na tulungan. Dapat handang magbigay ng solusyon. Handa ring sumalo. Everyone was willing to help,” paliwanag ni Vinuya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman sa ika-10 season ng PBB, isa lang ang nais sabihin ng mga ito sa manonood, “Handa na kami ulit.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending