Shamcey Supsup nag-resign sa Team Kaya This dahil kay Ian Sia

Shamcey Supsup nag-resign sa Team Kaya This dahil sa ginawa ni Ian Sia

Reggee Bonoan - April 08, 2025 - 07:49 AM

Shamcey Supsup nag-resign sa Team Kaya This dahil sa ginawa ni Ian Sia

Shamcey Supsup

NAGBITIW na si Shamcey Supsup-Lee sa Team Kaya This na kumakandidatong konsehal sa Distrito 1 ng Pasig City sa darating na May 12, 2025 elections.

Ipinost ni Miss Universe 2011 3rd runner-up na isa ring arkitekto ang kanyang official statement kaninang hatinggabi, 12:40 a.m.. Narito ang buong pahayag ng beauty queen.

“Resignation of Architect Shamcey Supsup-Lee.

“After careful thought and reflection, I have respectfully decided to resign from KAYA THIS.

“When I joined the team, it was with sincere hope that we could work together for meaningful change. But recent events have made it clear that my values, especially those shaped by my experience as a woman, a mother, and a leader, no longer align with the direction the team is taking.

“This decision is not made lightly, but with full respect for my fellow aspirants, for the Miss Universe Philippines Organization whose mission I carry, and for the many women and girls who look to me for strength and clarity.

“I choose to stand firmly by the values I’ve upheld throughout my life: dignity, respect, accountability, and women empowerment.


“At this point, I believe the best way to stay true to these principles is to take a step back, reflect, and listen, to allow space for clarity before taking the next steps.

“I am grateful to KAYA THIS for the opportunity, and I wish everyone well.

“Architect Shamcey Supsup-Lee,

“Pasigueña | Architect | Women Advocate.”

Matatandaang isa kami sa naunang nagsulat dito sa BANDERA nitong Abril 5 na hindi nagustuhan ni Shamcey ang biro ni Atty. Christian “Ian” Sia sa single mothers o solo mom sa nakaraang campaign rally nila.

Ipinost ng dating beauty queen sa kanyang Facebook account na kinausap niya ang kapartido niyang si Sia na kumakandidato bilang kongresman sa nasabing lungsod na hindi nito sinasang-ayunan ang biro tungkol sa mga single moms.

Aniya, “As a woman and a mother, I do not tolerate statements—whether made in jest or in earnest—that diminish or disrespect women.

“I’ve spoken to Atty. lan and shared my thoughts with him directly. I believe we all have moments to learn from, and I hope this becomes one of them,” ani Shamcey.

At ang dahilan kung bakit sa Team Kaya This siya sumali, “I joined this team because of our shared commitment to serve Pasiguenos especially in areas like legal aid, senior support, access to quality healthcare and help for solo parents. These are efforts I continue to support and build on.”

At ang lagi niyang sinasabi, “You can trust that I will always stand for what is right, even when it’s not easy. Because that’s the kind of leadership I believe the Pasig deserves.”

Imbes na purihin o makakuha ng simpatya mula sa netizens ay nakatanggap siya ng maraming tanong kung bakit sa Kaya This party siya sumali?

Marahil ay hindi nakatulog si Shamcey sa mga nabasa niyang bashing sa kanya kaya nagdesisyong kumalas na sa Partido ni Sarah Discaya.

Binalikan namin ang post ni Shamcey sa Facebook kung saan niya sinabing kinausap niya si Sia pero mukhang tinanggal na niya ang April 5 post dahil pagkatapos ng April 4 posts ay tumalon na ito sa April 6.

At kaninang madaling araw, April 8 ay ipinost na ni Shamcey ang kanyang resignation letter.

Samantala, hati ang reaksyon sa pagbibitiw ni Shamcey sa partidong Kaya This na sa kasalukuyan habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 2,300 likes/love; 104 good comments at 706 shares.

Ang ilan sa mga nabasa namin sa thread mismo ng post ni Mrs. Lloyd Lee ay ang mga sumusunod:

“Good to hear mam but just an honest question, haven’t you considered running independently back when you were still contemplating your decision?”

“It’s about time. Dapat di ka sumali sa kanila in the first place. You had more chances without them IMO.”

“Big Brother 3 points para kay Ara Mina kasi simula nu’ng umugong ang issue play safe lang siya. Bulag-bulagan. Kulang pa po sa pagpapakatotoo.”

“BAKIT HINDI NA AKO BOBOTO SAYO?  Ano ‘yung mga una mong pinagsasabi na walang pagbabago sa Pasig? No’ng nambastos si Ian Sia bakit wala ka kaagad ginawa/statement kung kaylan lang nabash saka ka nagsalita.

“From the moment na sumali ka sa KAYA THIS at sa panahong kasama mo sila imposibleng hindi mo napapansin na TRAPO ang mga sinamahan mo at hindi aligned sa values mo ang mga kasama mo.

“Construction ang business ni Sara Discaya, arkitekto ka. Hmmm alamnadiz

“Ngayong na bash ka na saka ka lang nag resign sa kanila?”

“When I saw your tarp under the KAYA THIS campaign, na-disappoint talaga ako kasi hindi talaga sila aligned recently with the values that you possess. But after reading this, nagshimmer and glimmer ang hope ko na hindi ka talaga sang ayon sa pinaggagawa nila now. Best decision Queen!!”

“I just wish you had done more extensive due diligence before aligning yourself with that party. That’s all. But I guess it’s about time you left, right? I remember you saying not to focus too much on credentials so it makes me wonder what exactly convinced you to join them in the first place.”

“Thank you, Shamcey for standing up against misogyny and traditional politics.. “

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sa magiging pahayag nina Sarah Discaya at Atty. Ian Sia sa pagbibitiw ni Shamcey bilang kanilang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending