Maricel Soriano inilantad ang tunay na sakit: Yung spine ko may arthritis

Maricel Soriano
USAP-USAPAN sa social media ang lagay ng kalusugan ngayon ng Diamond Star na si Maricel Soriano, ang tanong ng mga fans — ano ang kanyang tunay na karamdaman?
May mga video kasing kumalat sa Facebook at sa TikTok kung saan mapapanopd ang hirap sa paglalakad ni Maricel na kuha sa kanyang 60th birthday noong April 8 (February 25 ang eksaktong kaarawan niya) sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Nag-alala tuloy ang kanyang mga tagasuporta at nagtatanong kung ano talaga ang kalagayan ng kanyang kalusugan.
Sa pamamagitan ng kanyang YouTube Channel, sinagot ni Marya ang tanong ng madlang pipol about her health condition. Dito inamin niya ang pagkakaraoon ng “spinal arthritis.”
Ayon sa isang health website, ang spinal arthritis ay “inflammation in the joints between your vertebrae, the bones that link together to make your spine. The condition can affect any section of your spine, but it’s most common to have spinal arthritis in your neck or lower back.”
Ayon kay Marya, “Yung spine ko kasi may arthritis hanggang leeg ko. Tapos nu’ng first na-experience ko ‘to in-injectionan na ako sa likod. Tapos ‘yung sumunod dahil hindi pa nawawala ‘yung pain, kasi side lang eh, so ginawa nila mismong sa spine nila ako sinaksakan ng steriods.
“Tapos matagal bago nag-effect kaya iika-ika akong maglakad tsaka ‘yung paa ko manhid, parang may mga karayom na tumutusok,” aniya pa.
View this post on Instagram
“On top of it, may pinched nerve ako,” dagdag pang pahayag ng showbiz icon.
Ayon kay Marya hereditary ang kanyang sakit, “Kahit anong gawin ko, talagan magiging ganyan at ganyan. Magiging kagaya ni Mama Bec (kapatid niya) ako.”
“Ito namang sakit na ‘to gumagaling naman ‘to. Actually ang sabi nga magpa-opera ka na para matapos na ang sakit na ‘yan.
“Pupunta tayo du’n pero kasi tinitingan namin lahat ng way kung papano para hindi ‘yan surgery ang mangyari, sana kasi ayaw ko,” paliwanag pa niya.
“Siyempre nakatikim na ako ng caesarean (panganganak), hindi ba? Ang operation is not a joke. That’s why parang ako gusto ko rin ma-introduce rin ako du’n sa ibang anggulo, para gumaling ako,” sabi ni Marya.
Sa ngayon, sumasailalim daw siya sa physical therapy, kabilang na riyan ang aquatic walking exercise at stretching.
Ito naman ang advice ni Maricel sa mga taong nakararanas din ng kanyang karamdaman, “Doon po sa mga tao na may sakit din na ganito, when your body talks, you listen. Dapat ganu’n eh. Sabi kasi nila what you eat today will walk and talk tomorrow.”
“Tsaka huwag kang matatakot, nandiyan si Lord. Tsaka dapat lagi natin isipin ‘yung ibang tao nagawan ng himala, di ba? Ikaw pa ba eh, love ka ni God,” dagdag na pahayag pa no Maricel Soriano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.