Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers | Bandera

Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Reggee Bonoan |March 15,2021
facebook
share this

Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Reggee Bonoan - March 15, 2021 - 04:02 PM

MARAMI talagang bashers na nag-aabang sa post ng mga artista sa social media at kahit na anong ganda ng ibinabahagi nila sa publikp ay talagang hahanapan nila ng kasiraan.

Tulad ni Sharon Cuneta na nag-post ng maganda niyang larawan sa Instagram habang nasa taping ng “Your Face Sounds Familiar.”

Ang caption ng Megastar, “Girl in love and so loved! And not cutting her hair short. Repost from @gens_khaycee78. My barbie super cute.”

Umabot sa 67.1k ang nagkagusto sa post niya at sa mahigit na 400 comments ay may naligaw na gustong testingin ang pasensya ni Sharon.

Mula kay @nak_namara, “Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea (Alonzo), Liza (Soberano), Anne Curtis baka di ka napansin.  Kung kamukha mo sana mommy mo (Elaine Gamboa – Cuneta), pede ka sumabay kaso daddy (Mayor Pablo Cuneta) mo ang kamukha mo, e.”

Ipinagtanggol kaagad si Shawie ng followers niya sa IG tulad ni @netski027, “Si Bea at Anne ang tatay foreigner. Si Sharon pure pilipino ang magulang. But ang ganda nya di ba? Kaya n’ya makipag sabayan kahit kanino. Golden girl na siya pero tingnan mo nman maganda pa din. Ang nag-iisang Megastar lahat ng pelikula blockbuster at lahat ng in-endorse nya patok lahat.”

Hindi naman nakapagpigil si @dhonskie88 dahil talagang tinalakan niya si @nak_namara, “Pag bastos ka talaga, bastos kang tao, mal edukado lang ang peg mo. Wala cguro nag mamahal sayo kasi ang napaka -ungkot ng buhay mo naninira ka ng Matinong tao at ubod ng bait at pag mamahal sa kapwa. Nag iisip nga ako if tao kaba talaga???

“C Ate Sharon @reallysharoncuneta pa ang sasabihan mo ng di maganda ehh morethan 40 years na namumukadkad sa larangan ng pinilakang tabing halos lahat ng kasabay nya xa lng namumukod tanging sikat at visible pa until now kahit mga new generations actress ni re-respeto c Ate Sharon tapos ikaw na wla ka man lng ambag sa mundo maninira at mag sabi ng masasakit na salita? Ang tawag cguro sayo mag kano ba bayad sayo para manira kay Mega?? Wla ka na bang makain??” dugtong pa ng netizen.

Narito naman ang bwelta ni Sharon sa basher, “@nak_namara, Eh di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila, e, maganda na ako!”

Binanggit pa ng Megastar ang kaya niyang gawin kaya siya tumagal sa industriya at marami siyang pinayamang producers.

“Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko (pelikula) sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!” mataray na sabi pa ni Mega.

Sabi pa ng isa sa mga hurado ng “YFSF”, kaya nananatili pa rin siya sa kanyang kinalalagyan ngayon ay dahil sa milyones na supporters niya, bukod pa sa taglay niyang X-factor.

“Alam mo ang ganda, sampusampera. Ang di maipaliwanag ng…at sa tao ay ‘yung tinatawag na X-Factor. Puwede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin?” At dahil dito ay tinawag niyang, “engot” ang basher niya.

Kinampihan din si Sharon ng mga netizens sa isang website.

“Point is, mali yung basher. Sa status ni Sharon, dapat Di na siya binabastos ng ganyan. But Sharon shouldn’t have said anything back too. I agree with Sharon though, dami nang dumating before and after Bea etc but she’s still the Megastar. That’s all.”

“Hahahaha! infer korek si Madam! Ang totoo ang magpapabagsak kay Madam kung ngayon sya nakipagsabayan is her cringey social media posts. Kung noon alam ng mga tao na ganyan sya kapabebe yun ang makakabawas sa fan base nya.”

“You can not compare the Megastar with those people.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Trulalu naman ang nagmamarka lang naman sa showbiz eh yung mga merong x-factor! Yung mga binanggit ni basher puro magaganda w x-factor same with MEGASTAR. Yown lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending