Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang 'yung dinaanan nila poste lang | Bandera

Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang ‘yung dinaanan nila poste lang

Therese Arceo |February 24,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang ‘yung dinaanan nila poste lang

Therese Arceo - February 24, 2023 - 02:43 PM

Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang 'yung dinaanan nila poste lang
HINDI naiwasan ni Megastar Sharon Cuneta ang ihintulad ang mga young stars noon sa mga artista noong kanyang kapanahunan.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel ay naikuwento niya ang kanyang naging encounter niya sa mga batang artista sa Kapamilya network.

“Tayong old school, kaming mga nagsimula nung araw pa, ‘pag merong senior sa aming artista kahit ‘di kami kilala, lalapitan namin— ‘Magandang hapon po. Ako po si Sharon, bago po akong singer’ kasi nasa-star struck ka rin, pero paggalang ‘yon,” saad ni Sharon.

Ngayon raw kasi ay tila nawawalan na ng respeto ang mga young stars sa kanilang senior artists hindi gaya noong panahon nila.

“Meron kasing nakakalungkot—minsan nasasalubong namin noon sa [ABS-CBN] corridor. Pagdaan [nila] feeling ko, ‘Kamag-anak kaya ni boss Gabby [Lopez] ‘yon?’ Parang Lopez kung umarte, daig pa ‘yung mga Lopez. Si Don (Geny) nga bumabati kahit sa janitor,” lahad pa ni Sharon.

Dagdag pa niya, “‘Yung mga bata ngayon, makasalubong mo lang face to face, parang [‘yung] dinaanan nila poste lang. Hindi naman ako nag-eexpect ng anything, just a little (smile and nod). ‘Yung parang kahit walang hello, smile lang.”

Nang tanungin naman ni Ogie kung sinu-sinong celebrities ang kanyang tinutukoy, pinili na lang ni Sharon ang huwag magbanggit.

Chika pa ng Megastar, “Marami over the years—totoo. Minsan talaga ang feeling ko tuloy, ‘Pader ba ako? Pumayat na ako ‘di ba?’ Kasi kami nga, hindi gano’n.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Samantala, mayroon ring ipinalabas na interview si Ogie sa kanyang YouTube channel kung saan napag-usapan nila ang kwento sa likod ng pagpayat ng singer-actress at ang reaksyon nito sa tuwing mababanggit siya kapag may mga handaan.

Napag-usapan rin nila ang mga pambabash na natatanggap ng mga anak ni Sharon mula sa publiko at aminado siyang masakit ang mga ito para sa inang gaya niya.

Related Chika:
Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon gustung-gusto nang magretiro sa showbiz pero may pumipigil: ‘Wanna rest na so bad but too many obligations pa’

Hamon ng basher kay Sharon: Share mo kaya mga blessings mo yung walang camera, ha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending