Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo | Bandera

Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

Reggee Bonoan |January 28,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

Reggee Bonoan - January 28, 2023 - 02:18 PM

Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo
PURING-PURI ni Sharon Cuneta si Julia Montes at anak ang turing niya sa aktres.

Ikinuwento ni Sharon sa guesting niya sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes, Enero 27 kung bakit gusto niya si Julia.

“Kasi lahat ng gusto kong sabihin nasasabi ko kay Julia tapos siya rin ganu’n. Para kaming mag-ina na gusto ko rin sanang anak ko rin si Julia (naiiyak na ang dalawang aktres).

“Sabi ko nga sa ‘yo, sana ako na lang nagsilang sa ‘yo. Basta mahal na mahal ko siya hindi ko alam, hindi mo naman ma-explain ‘yun di ba? Mahal na mahal ko ‘tong batang ‘to napakabuti ng puso, napakabait na bata,” saad ni Sharon.

Dagdag pa niya, “Ang daming pinupunan ni Julia na kulang sa akin (umiiyak na sabi nito). Sa lahat ng minahal kong batang artista, si Julia na talaga ang pinaka-minahal. Anak thank you sa pagmamahal mo sa akin.”

Say naman ni Julia, “Ang hirap ding mag-express kasi totoo ‘yung sinabi ni mommy Sha. Nu’ng una nahihya pa akong tawagin siyang mommy Sha kasi Megastar, tapos nai-starstruck ako sa sasakyan, remember that scene po (tanong kay Sharon). Feeling mo talaga connected kayo? Siyempre nasa back ng mind ko po, siyempre Megastar paano kaya ‘to?

“First taping ko with her, anong gagawin ko, anong sasabihin ko, ano kaya ang ipapa-feel ko sa kanya para maging kumportable siya ro’n sa set kasi mas nauna po ako bago si mommy Sha. May ganu’n feeling pero nu’ng nandoon na as in nakalimutan ko na ‘yung set, kami na lang ‘yung nagtsi-tsikahan all day.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Hirit naman ng isa sa host ng MB na si Momshie Melai Cantiveros, “as in close na agad kayo?”

Sagot agad ni Julia, “sobrang ‘yan po talaga ang magic ni mommy Sha.”

“Kasi ‘yung Megastar title lang naman ‘yan, di ba Nana (sabi kay REgine Velasquez). Tao ka lang, you just want to be able to get along with people that’s all. ‘Yung Megastar pag-uwi mo wala hindi ko pinapasok sa bahay. Doon (set) trabahador lang ako, pare-pareho kami,”katwiran ni Shawie.

Sinang-ayunan naman ni Julia na kaya raw nawala ‘yung hiya niya ay dahi ipinaramdam sa kanya ni Sharon na hindi siya megastar.

“Grabe alam nating megastar siya pero napa-feel niya na nandito ako at magwo-work ako. Tapos siguro hindi po mahirap for me na umarte na nanay ko siya na hindi pa namin alam that time (mga role nila) pero at the back of our mind, ‘nanay na natin ang isa’t isa’ parang ganu’n na ‘yung relationship may ganu’n bond nap o talaga. Hindi kop o ma-explain, eh. Basta napa-feel niya (Sharon) ‘yung kampante factor,”susog ng tisay na aktres.

“Heart” ang sagot ni Julia sa tanong ng MB host na si Jolina Magdangal kung ano ‘yung mayroon si Sharon para masabing iconic siya.

“Heart kasi ‘yung talent puwede nating aralin, puwedeng makasanayan mahalin tayo sa ibang parte pero ‘yung heart kasi ni mommy Sha hindi mo maano (madadaya), ‘yun po ‘yung gift niya,” say ng aktres.

Pareho rin ang paglalarawan ni Sharon kay Julia, “siya rin heart din, mana sa akin.”

Sinang-ayunan naman ni Regine ang dalawa na kaya naging close rin sina Sharon at Julia ay dahil sa lock-in shoot na naginbg dahilan kaya nakilala nila ng husto ang isa’t isa.

“May mga dinadala tayong masakit, tinatanggal niya (Julia) ‘yun,” saad ni Mega.

Isa pang traits ni Julia na nagustuhan ng mommy Sha niya ay, “ipinagluluto ka nga.”

“Nagdadala po kasi ako sa set namin ng set ng mga ingredients. ‘Yun po kasi ang style ko (magluto) sa set para hindi ako malungkot. Pag malayo ka po sa bahay mo may mapi-feel ka talagang (kulang),”kuwento ni Julia.

At para malaman ng viewers ng Magandang Buhay kung gaano ka-close sina Sharon at Julia ay nagpa-games ang hosts na isusulat nila sa white board ang mga sagot nila sa tanong ng MB hosts.

Tanong ni Melai kay Julia, “kahit hindi gutom, mapapakain si Megastar kapag bibigyan mo siya ng?

Parehong lengua ang sagot ng dalawa, “favorite niya kasi,” say ni Sharon.

Isa pang tanong kapag nagugulat si Julia ang expression daw niya ay parehong ‘tawa’ ang sagot ng dalawa.
Mako-confirm na bad mood si Julia kapag siya ay, ‘tahimik’ ang sagot uli nila na ikinagulat din ng dalawa.

“Hindi siya masungit tahimik lang siya, tapos papatawanin ko na siya, “sundot ni Sharon.

Akala ng hosts at staff ng MB ay makaka-scoop sila sa tanong kung sino ang nagpapakilig sa dalawa..

Sinagot ni Julia na si Coco ang nagpapakilig sa mommy Sha niya, “kinikilig talaga ako kay Coco kasi direktor, producer, siya gumagawa ng linya ang galing-galing niya ang bait.”

‘Smiley’ naman ang sagot ni Sharon kung sino ang nagpapakilig kay Julia.”

“Ay smiley, ay secret, naguluhan ako,” say ni Jolina.

“I’m so sorry, you can’t beat it out of me,” tumatawang sabi ng megastar.

Say naman ni Regine, “parang alam ko naman. You can’t beat it out of me also, ha, ha, ha.”

Para kay Julia kaya siya sobrang naging close kay Sharon ay dahil may mga napag-usapan sila na tumatak sa kanya na matagal na niyang tanong sa sarili niya at naipaliwanag ng husto iiyon ng mama Sha niya.

Ganito rin ang katwiran ng Megastar na may mga pinupunuan si Julia sa kanya na hinahanap niya.

Nagkaiyakan sina Julia at Sharon sa mga pangako nila sa isa’t isa habang nabubuhay sila.

Related Chika:
Sharon Cuneta kay Julia: ‘Akin ka na lang! Para apat na ang baby girls ko!’

Basher tinalakan ni Sharon Cuneta: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta gustung-gusto nang magretiro sa showbiz pero may pumipigil: ‘Wanna rest na so bad but too many obligations pa’

Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending