Hamon ng basher kay Sharon: Share mo kaya mga blessings mo yung walang camera, ha! | Bandera

Hamon ng basher kay Sharon: Share mo kaya mga blessings mo yung walang camera, ha!

Ervin Santiago |August 16,2021
facebook
share this

Hamon ng basher kay Sharon: Share mo kaya mga blessings mo yung walang camera, ha!

Ervin Santiago - August 16, 2021 - 09:08 AM

Sharon Cuneta

TULOY ang ginagawang panunupalpal ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga bashers sa social media na walang ginawa kundi mangnega sa kanya.

Pinatulan ng singer-actress at TV host ang netizen na kumuwestiyon sa sinseridad ng pagtulong niya sa mga Pinoy na patuloy na naghihirap dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito’y may koneksyon pa rin sa ginawa niyang panawagan kamakailan sa mga may kakayahang mag-abot ng tulong para sa mga kababayan nating wala pa ring regular na pinagkakakitaan.

“I am wracking my brain trying to think of how I and hopefully fellow artistas and singers and other non-famous but more fortunate people can help.

“Please pray with me so that the Holy Spirit may give me ideas that will work.

“Also you are most welcome to make suggestions, not just for the duration of the ECQ, but hanggang maayos ang pag-(mis)handle ng Covid Crisis na ito sa ating bansa.

“Pati po pantawid-gutom po at gamot sa mga may sakit ngayong ECQ WELCOME po from anybody who’d love to help!!!” ang laman ng Instagram at Facebook post ni Sharon.

Comment ng isang basher, “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang camera ha.”

Ipinost ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan sa socmed ang screenshot ng komento ng kanyang hater at sinabing, “Nanawagan nga ako sa ibang gusto ding tumulong.

“Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansya.

“Ang na’camera’ gaya ng sabi mo at naisulat na ay kakaunting % lang ng alam ng Pangingoong naitulong namin ng galing sa puso at walang nakakaalam,” katwiran ng aktres.

Diin pa niya, “KAILANGAN naming ipaalam ang napaalam na dahil humihingi din kami ng tulong mula sa iba na nagpapakitang kung kami ay may naitulong, sana sila/kayo rin.

“Yon LANG ang dahilan ng pinapaalam sa publiko. Di na namin kailangan ng puri o sikat, nagbabawas pa baka puede.”

Isa namang netizen ang nagsabing, “Napapansin ko madaling magalit si Sharon.” Sinagot din siya ni Mega at ipinaliwanag na hindi pa siya beast mode habang sinasagot ang mga bashers.

“Ay hindi po! Maayos po salita ko today kasi masaya naman po ako! Minsan lang talagang matulungin ako at matiyagang nage-explain sa mga tila di makaintindi o ayaw lang umintindi sa sinasabi ko. Madalas naman, block na lang!” sey pa ni Shawie.

Nauna rito, nilinaw ni Sharon na ang paghingi niya ng tulong ay walang halong politika, “Para hindi lang lahat umaasa sa gobyerno. Baka lang makausad ng konting bilis pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako nakikipag-away sa kahit kanino. The end na muna ito dahil alam niyo naman… kahit maganda ang intensyon ng isang tao, meron at meron pa ring mambabash! Expected na natin pero wag na pansinin,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending