Barbie Forteza pinapili kung love o career, netizens bumilib sa sagot | Bandera

Barbie Forteza pinapili kung love o career, netizens bumilib sa sagot

Therese Arceo |April 25,2023
facebook
share this

Barbie Forteza pinapili kung love o career, netizens bumilib sa sagot

Therese Arceo - April 25, 2023 - 07:32 PM

Barbie Forteza pinapili kung love o career, netizens bumilib sa sagot

DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang tanong ng isang netizen kung ano nga ba ang pipiliin niya.

Nakipag-bonding kasi ang aktres sa kanyang mga Twitter followers kung saan hinayaan niya itong tanungin siya ng mga bagay-bagay using the hashtag na “#AskBarbie”.

Marami sa mga netizens ang agad na nag-usisa sa mga ganap ni Barbie sa ngayon dahil natapos na ang “Maria Clara At Ibarra” at kung ano ang next projects nito.

Ngunit ang isang tanong ng netizen ang talagang nag-trending kung saan pinapili niya ang dalaga kung love ba o career.

“Sarili ko,” maikling sagot ni Barbie na umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.

Aware naman ang lahat na currently ay masaya at in a relationship ang dalaga sa kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto.

Sa katunayan ay malapit nang mag-six years ang kanilang relasyon sa susunod na buwan.

Baka Bet Mo: Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

At lately nga ay nagiging matunog ang pakikipag-love team ni Barbie sa kapwa Kapuso star na si David Licauco na nagsimula noong marami ang naka-appreciate sa kanilang pagtatambal sa teleseryeng “Maria Clara At Ibarra”.

Dito nga pinatunayan ng aktres na kahit na masaya siya ngayon sa kaniyang love life at talagang pak na pak ang career, hinding-hindi siya magdadalawang isip na piliin ang sarili sakaling magkandaloko-loko ang lahat.

“Before anything else, mas importante talaga na sarili natin ang piliin. @dealwithBARBIE we love you,” saad ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “Yes true .Yourself and your family first before others.God bless you po Barbie.”

“Gaya ng sabi ko ikaw ang sinusuportahan ko, ikaw yan mahal na mahal kita!!” sey naman ng isa.

Sa kabila ng mga positibong komento ay may mga ng-iintriga kung sila pa rin ba ni Jak.

Mukha namang going strong pa rin ang dalawa dahil naka-follow pa rin sila sa isa’t isa at nandoon pa rin ang larawan ni Barbie kasama ang dyowa sa kanyang Instagram page.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
#MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending