#MayPila: Barbie Forteza 'willing to wait' matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia | Bandera

#MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

#MayPila: Barbie Forteza ‘willing to wait’ matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 09:34 AM

#MayPila: Barbie Forteza 'willing to wait' matupad lang ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia

Joshua Garcia at Barbie Forteza

GAME na game ring “pumila” ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza para sa Kapamilya leading man na si Joshua Garcia.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Nadagdag nga si Barbie sa listahan ng mga female celebrities na nagnanais makasama at makatrabaho si Joshua.

Ayon sa girlfriend ng hunk actor na si Jak Roberto, kung mabibigyan ng chance, gusto niyang maka-collab ang magaling na aktor na isa na ring TikTok superstar ngayon.

Mukhang ready namang maghintay si Barbie sa tamang panahon para makasama niya si Joshua sa isang proyekto.

Sa bagong YouTube vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila, natanong nga ang dalaga kung sino ang gusto niyang makatambal sa mga Kapamilya stars at nabanggit nga niya ang pangalan ni Joshua.

Kuwento ni Barbie, talagang pinanood pa raw niya ang isa sa mga pelikula ng binata sa sinehan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)


“Napanood ko po siya sa ‘Vince, Kath, and James.’ Pinanood ko po ‘yun sa sinehan,” pagbabahagi ni Barbie.

Ang ilan pa sa mga celebrities na nais makatrabaho ng aktres in the future ay sina Jericho Rosales, Joel Torre at Nonie Buencamino.

Hindi naman imposibleng mangyari ang wish ni Barbie dahil pwedeng-pwede nang magsama ngayon ang mga artista ng ABS-CBN at GMA 7 dahil hindi na nga uso ngayon ang network war.

Sa katunayan, nagsu-shooting na ngayon si Joshua para sa unang collab ng Kapamilya at Kapuso network, ang “Unbreak My Heart” kasama sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Samantala, ipinagdiinan naman ng aktres na never daw nagselos ang boyfriend niyang si Jak Roberto sa leading man niyang si David Licauco sa hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra.”

“Hindi naman po kasi magkaibagan po sila ni David and kami ni David malinaw sa aming dalawa na this is a business partnership.

Baka Bet Mo: Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

“Nakakatuwa lang din kasi kahit na ‘yung mga supporters namin, Miss Karen, very mature mag-isip. Matatalino.

“Wala silang ini-expect from David and I to be more than friends kasi alam nga nila na we’re very good friends and we’re really good partners on screen.

“So, okay na sila doon kaya laking pasalamat ko rin sa mga supporters namin,” sey pa ni Barbie kasunod ang pagsasabing mahal na mahal niya si Jak.

Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nawindang sa chikang hiwalay na sina Barbie at Jak: Gusto kong itaob ang mesa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending