Jak Roberto ‘gumanti’ raw kay Barbie Forteza, naki-TikTok kay Celeste Cortesi
ALIW na aliw ang netizens sa Kapuso hunk actor na si Jak Roberto matapos itong makipagkulitan sa actress-beaty queen na si Celeste Cortesi sa TikTok.
Tila tume-Taylor Swift na raw kasi ang “Anti-Silos Prof” entering his reputation era matapos ilabas ng beauty aueen ang kanilang TikTok video nitong Biyernes, October 27.
“A little TikTok break with Jak Roberto here at the beautiful Roxas City #fyp #foryoupage #celestecortesi #jakroberto,” caption ni Celeste.
Cute na nagsayaw ang dalawa at isa pa sa mga napansin ng netizens ay ang parehas na kulay ng kanilang suot.
Sey ng madlang pipol, tila natututo na raw gumanti si Jak at hindi tulad ng dati na tahimik lang.
Pati nga ang aktres na si Loisa Andalio ay nadamay dahil mukhang nag-enroll raw ito sa “universityl ng Kapamilya actress.
View this post on Instagram
“WAHAHAHAHAHAHAHHAAH JAK ROBERTO OFFICIALLY ENROLLED AT Loisa Andalio University,” saad ng isang netizen.
“mukhang nagenroll na si Jak Roberto kay Loisa Andalio University. Gumaganti na HAHAHAHAHHAHA”
Comment naman ng isa, “Yung nasa background ba nila is yung school na Loisa Andalio University?”
“unexpected yung plot twist Celeste and Jak Roberto in one frame,” sey ng isa.
Hirit naman ng isang netizen, “MAY BAGONG LESSON SI PROF”
Matatandaang nag-trending noon si Jak dahil hindi ito tinatablan ng selos sa kabila ng successful na tambalan ng girlfriend niyang si Barbie Forteza sa kapwa Kapuso star na si David Licauco.
Kaya nga nilolojo siya ng mga netizens ng Jak Roberto University kung saan nagtuturo siya umani ng “anti-selos” class sa kapwa artista na may karelasyon ngunit may ibang ka-love team
Samantala, wala pa namang reaksyon si Jak sa mga biro ng netizens.
Jak Roberto nagsalita na sa dahilan ng solong pagrampa nila ni Barbie Forteza sa GMA Gala 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.