Jak Roberto nagsalita na sa dahilan ng solong pagrampa nila ni Barbie Forteza sa GMA Gala 2023 | Bandera

Jak Roberto nagsalita na sa dahilan ng solong pagrampa nila ni Barbie Forteza sa GMA Gala 2023

Therese Arceo |July 27,2023
facebook
share this

Jak Roberto nagsalita na sa dahilan ng solong pagrampa nila ni Barbie Forteza sa GMA Gala 2023

Therese Arceo - July 27, 2023 - 05:22 PM

Jak Roberto nagsalita na sa dahilan ng solong pagrampa nila ni Barbie Forteza sa GMA Gala 2023
INAMIN ng Kapuso actor na si Jak Roberto na pinili nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza na solong rumampa sa GMA Gala 2023 upang ibandera ang kanilang outfit.

Sa kanyang panayam kay Nelson Canlas na mapapanood sa YouTube channel ng GMA Integrated News ay natanong siya kung bakit wala siyang ka-date sa naturang event.

“Last year din, dateless kami pareho!” natatawang sabi ng binata na tumutukoy sa kanilang dalawa ni Barbie.

Pagpapatuloy niya, “Talagang solo-solo, nag-usap na kami na solo-solo kaming maglalakad sa red carpet para mas ma-emphasize ‘yung damit, mag-thank you sa designers [at] mas may spot kumbaga.”

Bago ang interview ni Jak ay nauna nang tanungin si Barbie kung bakit wala itong date sa naturang event.

“Kailangan ba? O hindi naman pala,” sagot ni Barbie.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang naging mainit na usapan sa social media ang desisyon nina Jak at Barbie na rumampa mag-isa sa red carpet ng GMA Gala noong Sabado, July 22.

Bago ito ay marami na ang nangungulit kay Barbie sa Twitter kung sino nga ba ang makakadate niya, kung ang boyfriend ba nito o ang onscreen partner niyang si David Licauco.

Ang ending nga ay solo-solong rumampa sina Barbie, Jak, at David na talaga namang naging headturners sa kanilang paglalakad sa red carpet.

Samantala, sinabi na noon ni Barbie sa isang interview kung gaano siya kasuwerte sa kanyang boyfriend dahil suportado nito ang kanyang mga career choices kabilang na ang kanyang pagkakaroon ng love team kay David.

Anim na taon na ring magdyowa sina Barbie at Jak matapos ang kanilang pagtatambal sa Kapuso serye na “Meant To Be” noong 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending