Celeste Cortesi sa pagpapasa ng korona sa bagong Miss Universe PH: ‘The best is yet to come…who’s your bet for the crown?’
NANINIWALA ang Pinay beauty queen na si Celeste Cortesi na marami pang opportunities na darating sa buhay niya pagkatapos maipasa ang kanyang korona sa tatanghaling Miss Universe Philippines 2023.
Sabi nga ni Celeste, “the best is yet to come” habang papalapit na ang pagpapasa niya ng titulo at korona sa susunod na reyna.
Sa Instagram, nagbahagi ang dalaga ng mensahe para sa kanyang “crowniversary,” kung saan ibinandera niya ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng kanyang pageant journey.
View this post on Instagram
“To one year of carrying the crown with strength, dignity, and grace. Thankful for the people that have been with me and supported me unconditionally,” ang simulang bahagi ng IG post ni Celeste kalakip ang kanyang litrato suot ang bonggang Miss Universe Philippines crown.
Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Most of all, thankful for my fans. Your love for me is never-ending and my heart is full of joy and gratitude.”
Baka Bet Mo: Celeste Cortesi nangarap maging beauty queen matapos mapanood si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015
Sa huling bahagi ng kanyang IG post, tinanong pa ni Celeste ang kanyang fans and followers kung sino ang bet ng mga ito sa mga kandidata this year para manalong Miss Universe Philippines 2023.
View this post on Instagram
“The best is yet to come and I cannot wait to share my journey with all of you. Few days before I crown my successor, who’s your bet for the crown?” pahayag pa ni Celeste.
Magaganap na ang Miss Universe Philippines 2023 grand coronation night sa darating na May 13 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Ilan sa mga rarampa at makikipagbakbakan on stage ay ang mga dati nang sumali sa pageant tulad nina Michelle Dee at Pauline Amelinckx, na mga naging runners-up last year.
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…
Celeste Cortesi muling ibinuyangyang ang kaseksihan, ‘pinaapoy’ ang socmed
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.