Celeste Cortesi nangarap maging beauty queen matapos mapanood si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015
ANG Kapamilya actress-TV host na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang unang naging inspirasyon ni Celeste Cortesi sa pagsali sa mga beauty pageants.
Si Celeste ang magiging bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 at umaasa siya na sa pamamagitan ng dasal, suporta ng sambayanang Filipino at matinding training, muli niyang maiuuwi ang korona at titulo mula sa nasabing international pageant.
Kuwento ni Celeste, noong 2015 (17 years old lang siya), napanood niya ang paglaban ni Pia sa Miss Universe na siyang nagtapos sa 42 taong paghihintay ng Pilipinas na muling masungkit ang korona.
“That was the first pageant that I ever watched, Miss Universe 2015. After that, I started to be curious about it. I was still living in Italy, I was just curious about pageantry.
“I was very amazed about the performance of Pia and it was very inspirational that I got interested,” pahayag ng Filipino-Italian beauty sa vlog ng The Qrown Philippines sa YouTube.
Italian ang tatay ni Celeste at Pinay naman ang kanyang nanay na mula sa Camarines Sur at dahil sa Italy lumaki, hindi siya masyadong naging interesado sa kanyang Filipino roots.
Naikuwento ng dalaga na nagtrabaho siya noon bilang cashier sa isang store sa Parma, Italy at naging model din para makatulong sa ibang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Hanggang sa dumating na nga yung araw na pumunta siya ng Pilipinas. Agad namang pumayag ang nanay niyang si Maria Luisa Rabimbi na all out ang pagsuporta sa kanyang pangarap na maging beauty queen.
View this post on Instagram
At noong April 30 nga, natupad din ang dream ni Celeste na maging representative ng bansa sa Miss Universe matapos koronahang Miss Universe Philippines 2022. Siya ang pumalit sa trono ni Beatrice Luigi Gomez ng Cebu.
“I gave my best tonight and all the hard work has paid off. Am excited for what’s next. I cannot wait to start my training, I cannot wait to work with the organization. This is what I wanted for a long, long time,” ang bahagi ng kanyang speech matapos makoronahan.
Na-link din noon si Celeste kay Willie Revillame at sa aktor na si Joseph Marco. Sa ngayon, super happy siya sa piling ng kanyang Filipino-British football player boyfriend na si Matthew Custodio.
Ang tanong, maiuwi nga kaya ni Celeste ang titulo at korona tulad ng idol at inspirasyon niyang si Pia Wurtzbach at ang tatlo pang Filipino Miss Universe titleholders na sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), at Catriona Gray (2018).
“I’ve grown so much since I came to the Philippines five years ago, and I really promised myself that I would only join a pageant when I am ready to take on the responsibility of a crown, and I am now.
“I’ve received my second chance and I am beyond honored and grateful to be able to represent my country on the Miss Universe stage.
“I hope that with my story I can inspire so many to never give up on their dreams because through hard work, perseverance, and faith you can achieve anything you want,” pahayag pa ni Celeste.
https://bandera.inquirer.net/313039/evening-gown-ni-celeste-cortesi-sa-miss-universe-ph-2022-may-konek-sa-yumaong-ama-my-guardian-angel
https://bandera.inquirer.net/312463/celeste-cortesi-sa-pagkapanalo-bilang-miss-universe-ph-2022-ive-received-my-second-chance-ive-worked-so-hard-for-this
https://bandera.inquirer.net/312425/michelle-dee-tanggap-ang-pagkatalo-kay-celeste-cortesi-hindi-pa-rin-isusuko-ang-pangarap-na-miss-universe-crown
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.