Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero... Bandera

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Ervin Santiago |July 26,2022
share this

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Ervin Santiago - July 26, 2022 - 07:29 AM

Celeste Cortesi

AMINADO si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na nahihiya siyang aminin noon sa publiko na nagtrabaho siya bilang isang cashier.

Sa bago niyang vlog sa YouTube, muli niyang nabanggit ang tungkol sa bahaging ito ng kanyang buhay ngunit hindi niya nasabi kung ito ba’y nangyari sa Pilipinas o sa Italy kung saan ilang taon din siyang nanirahan.

Marami raw kasing nagtatanong sa kanya kung nakatapos ba siya ng college at ano ang degree niya. Diretsahan naman niyang sinabi na tumigil siya sa noon sa pag-aaral.

Aniya, wala pa raw kasi siyang naiisip na kurso na babagay sa kanya at yung talagang gusto niya, “Why would I go to college if I don’t know what I wanna be when I’m an adult?”

Sey pa ni Celeste, kinailangan din niyang maghanap na trabaho para makatulong sa mga gastusin nila ng kanyang ina na isang Filipina.

“So I really had to find a job. So that time, I was doing modelling, and I also worked as a cashier in a shop,” sabi ng Pinay beauty queen.

Comment naman ni Voltaire Tayag, ang director of communications ng Miss Universe Philippines, na nakasama ni Celeste sa vlog, “You were just so open with it, and you were like, ‘That’s where I worked before.'”

Reaksyon ni Celeste, “It was just downstairs, actually, where we lived and it was the shop where I worked as a cashier.”


Pag-amin niya, “You know, actually, there was a time where I was kinda embarrassed. I didn’t really wanna show that side of me to others.”

Pero mula raw nang sumali siya at manalo sa Miss Universe Philippines, sa halip na itago ay ibinandera pa niya ito nang bonggang-bongga!

Ito’y para, “To show people the real me, so they can just relate to me. And it’s really important because you should never deny your past.

“You should never be shy of what you’ve been through, because it’s what made you, who you are right now.

“So, I’m proud of it, and I really wanted to show them where I came from,” aniya pa.

Ibinalita rin ng Filipina-Italian beauty queen na bumalik na rin siya sa pag-aaral at handa siyang gawin ang lahat para makuha ang pinakaaasam na college diploma.

“I’m doing real-estate course to get my real estate license. It’s like so perfect because, again, I will never do something if I’m not very passionate about it,” pahayag pa ni Celeste na siya ngang magiging bet ng Pilipinas sa magaganap na Miss Universe 2022.

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi may inamin tungkol kay Pia Wurtzbach, ano kaya yun?

Top 10 Miss Universe PH 2022 candidates napili na

Kilalang aktor tinawaran na nga ang talent fee, hindi pa binayaran ang huling araw sa shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending