Sikreto ng relasyon nina Jak at Barbie: 'Basta hindi nawawala yung trust and respect namin sa isa’t isa... walang selos-selos, trabaho lang' | Bandera

Sikreto ng relasyon nina Jak at Barbie: ‘Basta hindi nawawala yung trust and respect namin sa isa’t isa… walang selos-selos, trabaho lang’

Ervin Santiago - August 28, 2023 - 07:35 AM

Sikreto ng relasyon nina Jak at Barbie: 'Basta hindi nawawala yung trust and respect namin sa isa’t isa... walang selos-selos, trabaho lang'

Barbie Forteza at Jak Roberto

KUNG may isang certified “walking green flag” boyfriend sa mundo ng showbiz, yan ay walang iba kundi ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto.

“Perfect role model of a very supportive boyfriend” ang tawag ngayon kay Jak dahil sa kabila ng tagumpay ng tambalan ng girlfriend niyang si Barbie Forteza at ni David Licauco ay nananatili siyang loyal and understanding dyowa.

Hindi rin siya naaapektuhan ng mga pangnenega ng mga fans tulad ng sinasabi ng BarDa supporters na sana’y maghiwalay na sila ng Kapuso actress para magkaroon ng chance na magkatuluyan sa tunay na buhay sina Barbie at David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“No, I’m not annoyed, mas nalulungkot ako kasi yung ibang fans parang sobrang pinepersonal ang comments nila. Minsan, hindi na maganda yung mga salitang pino-post nila.

“Siyempre, inuunawa ko na lang po na kinikilig sila sa BarDa loveteam, pero sana, maintindihan din nila na trabaho lang po yun at iba ang trabaho sa personal na buhay ng mga artista,” depensa ni Jak nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa online mediacon ng “The Missing Husband.”

Suportado rin niya ang bagong project ng BarDa tulad ng ginawa niya noon sa Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan unang sumikat ang tambalan nila nina David at Barbie.

Baka Bet Mo: David hinding-hindi guguluhin ang relasyon nina Jak at Barbie: ‘Nirerespeto ko ‘yung relationship nila’

“Blessing po yun at ngayon nga, may bago silang series na ‘Maging Sino Ka Man’ at may bago pa silang movie. Six years na kaming on ni Barbie at never kaming nakialam when it comes to our careers.

“Pareho kaming artista so alam naming kapag trabaho, trabaho yun at kapag lovelife, iba rin yun,” aniya pa.

Samantala, sa tanong kung paano nila napapanatili ang mainit at masayang pagsasama nila ni Barbie sa kabila ng mga pang-iintriga ng mga netizens.

“Wala namang secret. Basta hindi nawawala yung trust and respect namin sa isa’t isa. Walang selos-selos, basta go, trabaho lang. We’re all professionals.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“David and I are friends and he’s very vocal in saying that he respects yung relationship namin ni Barbie and thank you for that,” paliwanag pa niya.

Tungkol naman sa usaping kasal, “Siyempre napag-uusapan, pero nothing serious po as of now. Kasi we’re both still so focused on our careers.

“Lalo si Barbie, tutok talaga siya sa career dahil gusto niya talagang magtagal sa industry, like Tita Gloria Romero.

“Ganu’n ang mindset niya. She just turned 26 lang naman noong July 31 so bata pa siya for us to start our own family. That can wait pa rin po,” esplika pa ni Jak Roberto.

Mapapanood na ang “The Missing Husband” sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes na pagbibidahan din nina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino at marami pang iba.

Jak Roberto, Barbie Forteza walang pakialamanan sa trabaho, nakiusap sa mga bashers: ‘May comments kasi na parang pinepersonal na’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending