Bea sa todo-todong pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ni Dominic: 'Hindi ako nakaranas ng ganitong pag-aalaga noon' | Bandera

Bea sa todo-todong pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ni Dominic: ‘Hindi ako nakaranas ng ganitong pag-aalaga noon’

Ervin Santiago |August 06,2023
facebook
share this

Bea sa todo-todong pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ni Dominic: ‘Hindi ako nakaranas ng ganitong pag-aalaga noon’

Ervin Santiago - August 06, 2023 - 07:52 AM

Bea sa todo-todong pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ni Dominic: 'Hindi ako nakaranas ng ganitong pag-aalaga noon'

Dominic Roque at Bea Alonzo

NEVER pang nakaranas si Bea Alonzo ng grabeng pagmamahal at pag-aalaga tulad ng ginagawa at ipinararamdam sa kanya ng fiancé na si Dominic Roque.

Yan ang kinikilig na pahayag ng Kapuso actress nang makachikahan namin at ng ilang members ng entertainment media kamakailan sa event ng Philippine Statistics Office kung saan ipinakilala siyang ambassador para sa 2022 Census of Agriculture and Fisheries.

“Sabi ng mga tao sa comment box, he is a walking green flag daw,” ang pahayag ni Bea patungkol sa kanyang future husband

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam n’yo ang unang-una diyan, sobrang maalaga ni Dom sa akin. Hindi ako nakaranas nang ganitong pag-aalaga noon.

“Sa totoo, binibigyan niya talaga ako ng pahinga sa maingay at magulong mundo. He is like my calm amidst all the storms. He’s my refuge, every time,” paglalarawan pa ng Kapuso actress at content creator.

“Halimbawa, nagkakaroon ako ng bad days sa trabaho. Hindi naman maiiwasan ‘yon or I’ll get stressed out, I look forward to talking to him or seeing him because I know everything will be alright,” dugtong pa niya.

Baka Bet Mo: Dennis ibinandera ang 2 ‘sikreto’ sa pagbalanse ng oras bilang artista at hands-on tatay: ‘Dapat lagi kang malakas!’

Natanong din ang aktres kung ano ang nararamdaman niya matapos mag-propose si Dominic sa kanya mahigit dalawang linggo na ngayon ang nakararaan.

“Hanggang ngayon ninanamnam ko pa. Hindi pa rin ako makapaniwala. At saka kinikilig ako kapag tinatawag ko siyang fiance,” tugon ni Bea.

Anu-ano naman ang naging pagbabago sa kanilang relasyon ngayong engaged na sila? “Mas naging in love lang kami sa isa’t isa. Parang sa totoo lang kasi siyempre four years na kaming dating.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Yung official two, o three years, ‘ di ko na maano, pero four years kaming dating. So parang akala ko wala nang mas i-in love.

“Yun pala totoo pala ang glow mo kapag may ring ka na, kapag mayroon ng commitment, kapag ni-level up niyo na ‘yung relasyon n’yo.

“Kasi kapag boyfriend-girlfriend mayroon pa ring option na may breakup. It’s always an option. But kapag ni-level up niyo ‘yung relationship niyo such as being engaged or committed to be married, parang lahat pala full package minamahal mo siya.

“Kahit ‘yung mga kahinaan niya, kahit ‘yung flaws niya ay mamahalin mo rin. It’s like how you love your family. You have this sort of sense of protection and sense of security, kaya mas in love,” pagbabahagi pa ni Bea.

Ibinandera nina Bea at Dom sa buong universe ang kanilang engagement noong July 19 sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

Rabiya nag-sorry sa 2 Miss Universe candidate na inokray ng ilang Pinoy pageant fans

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy Mendiola inaming nakaranas ng ‘postpartum depression’: It wasn’t easy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending