Dennis ibinandera ang 2 ‘sikreto’ sa pagbalanse ng oras bilang artista at hands-on tatay: ‘Dapat lagi kang malakas!’
NAGBIGAY ng ilang tips ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo para sa mga tatay na hinahati ang panahon sa pagtatrabaho at pag-aalaga ng mga anak.
In fairness, hands-on tatay din si Dennis sa anak nila ng kanyang wifey na si Jennylyn Mercado. Talagang naglalaan ng sapat na oras ang aktor para maalagaan si Baby Dylan.
Sey ng celebrity daddy, kailangang matutunan din niya ang lahat ng kailangang gawin sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Dylan tulad ni Jennylyn para kapag wala ang aktres ay kering-keri niyang maging daddy at mommy at the same time.
Sa isang panayam, nag-share nga ang award-winning actor ng mga nalalaman at ginagawa niya para balansehin ang kanyang time sa work at sa pamilya.
Lalo pa nga ngayong sasabak na uli siya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Love Before Sunrise” kung saan makakatambal niya ang bagong Drama Queen ng kanyang henerasyon na si Bea Alonzo.
View this post on Instagram
Ayon kay Dennis, kailangan lang talaga maging physically fit at balensehin nang mabuti ang oras para magampanan pa rin ang lahat ng duties and responsibilities sa pamilya.
“Time management, napakaimportante niyan at hindi mo magagawa ‘yan kung mahina ang pangangatawan mo,” ang pahayag ni Dennis panayam ng GMA Regional TV BizTalk.
Dagdag pang sabi ni Dennis, “Kailangan maging physically fit ka para magampanan mo ‘yung mga tungkulin mo sa trabaho, pagkatapos nu’n, pag-uwi mo, magampanan mo pa rin ‘yung tungkulin mo naman sa bahay.”
May, 2022 nang i-welcome nina Dennis at Jen ang kanilang anak. Sa isa pang hiwalay na panayam, sinabi ni Dennis na nae-enjoy niya talaga ang pagiging hands-on dad.
Baka Bet Mo: Hugot post ni KC tungkol sa ‘baby’ patutsada nga ba kay Mega?
“Hindi ako nakatutok (sa eldest son na si Calix, anak niya sa aktres na si Carlene Aguilar) talaga katulad ng nagagawa ko ngayon (kay Dylan) na kahit paano nakakalungkot pero at the same time realization na, alam mo ‘yun, mga bata pa kami nu’n.
View this post on Instagram
“At least ngayon natutunan ko na yung mga pagkukulang ko dati and mas nagagawa ko na ng mabuti ngayon, dahil parang ginagawa kong effort para makabawi doon sa mga pagkukulang dati,” sabi pa ng aktor.
Sabi pa noon ng Kapuso Drama King, maingat na maingat pa rin sila ni Jen kapag lalabas at papasok ng bahay dahil hindi pa naman talaga tapos ang pandemya.
Agad daw siyang maliligo pagdating sa bahay kung galing siya sa work, “Kasi siyempre galing ako sa labas. Hindi ako basta bigla na lang lumalapit sa baby. Tsaka si Jen mahigpit diyan, eh.
“Pag-uwi ko sa trabaho, kapag nakapaglinis na ako, at gawin ko na ang trabaho ko bilang daddy. So pinalitan ko siya ng diaper, pagkatapos nun, gutom na din siya so magtitimpla ako ng gatas, papadedehin ko siya,” pagbabahagi pa ni Dennis.
Janella kay Markus: Thank you for being the most amazing, hard-working, hands-on father
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.