Jennylyn Mercado magbabalik showbiz na: 'First quarter next year…' | Bandera

Jennylyn Mercado magbabalik showbiz na: ‘First quarter next year…’

Pauline del Rosario |October 17,2022
facebook
share this

Jennylyn Mercado magbabalik showbiz na: ‘First quarter next year…’

Pauline del Rosario - October 17, 2022 - 02:29 PM

MULI nang masisilayan sa telebisyon ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado!

‘Yan ang kanyang naging “revelation” sa entertainment correspondent na si Nelson Canlas.

Sa latest podcast na “Updated with Nelson Canlas” ay sinorpresa ng aktres si Nelson habang isinasagawa ang online interview sa kanyang mister at aktor na si Dennis Trillo.

Sabi ni Dennis kay Nelson, “May gustong mangamusta sa yo, ex-buntis, ang sexy na ngayon o.”

Kaagad na bumati naman si Jennylyn at matapos sabihing nami-miss ni Nelson ang aktres ay bigla na niya itong tinanong kung kailan siya magbabalik sa showbiz.

Sinagot siya ng celebrity mom at sinabing next year na raw.

“Malapit na. First quarter next year,” sey ni Jennylyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Oktubre nang nakaraang taon nang mabalitaang nagdadalang-tao ang aktres kasabay ng kanyang taping sa GMA teleserye na “Love. Die. Repeat.”

Dahil diyan, itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga muna si Jennylyn.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ni Dennis nitong Mayo.

Nangyari ang podcast noong October 14 at matatandaang diyan rin inamin ni Dennis ang ilang pangyayari matapos silang maghiwalay ni Jennylyn ilang taon na ang nakakaraan.

Nakwento nga niya na siya raw ang unang lumapit kay Jennylyn matapos silang mag-“break” noon.

Kinausap niya raw ito sa pamamagitang ng “text” habang nasa taping sa London at hindi raw siya makapaniwala na nagkabalikan pa sila at naging mag-asawa.

Taong 2010 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa, pero naghiwalay rin matapos ang isang taon.

Noong 2014  silang nagkabalikan at matapos naman ng pitong taon ay ikinasal na sila.

Nangyari ang kanilang intimate civil wedding Nobyembre ng nakaraang taon.

Read more:

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

Angelica Panganiban kinilig sa regalong ‘lactation treats’ ni Jennylyn Mercado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending