Angelica Panganiban kinilig sa regalong 'lactation treats' ni Jennylyn Mercado Bandera

Angelica Panganiban kinilig sa regalong ‘lactation treats’ ni Jennylyn Mercado

Therese Arceo |October 05,2022
share this

Angelica Panganiban kinilig sa regalong ‘lactation treats’ ni Jennylyn Mercado

Therese Arceo - October 05, 2022 - 04:22 PM

Angelica Panganiban kinilig sa regalong 'lactation treats' ni Jennylyn Mercado
MASAYA ang aktres at first-time mom na si Angelica Panganiban sa mga natanggap niya mula sa Kapuso star na si Jennylyn Mercado.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinandera niya ang mga lactating treats na ipinadala sa kanya ng kaibigan.

“Ang sweet nyo po @mercadojenny nakakakilig naman at naalala niyo kami. Thank you for your kindness,” saad ni Angelica.

 

 

Paniguradong labis na makatutulong ang mga regalo ni Jennylyn para kay Angge lalo na at kakapanganak lang nito sa kanilang panganay na anak ni Gregg Homan.

Matatandaang nitong Setyembre 20 ay isinilang ni Angelica ang kanilang cute and healthy baby girl na si Amila Sabine Homan.

Makikita naman sa mga Instagram updates ng aktres kung gaano sila ka-hands on at katutok sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Sa katunayan, ibinahagi ni Angelica nitong araw ang kanyang selfie kasama si Baby Bean na karga-karga niya.

Pabirong chika niya, “Malumanay naman kaming mag-ina kapag hindi kami nagkakasakitan sa padede.”

Sinabi rin niya na miss na nila si Gregg na marahil ay pansamantalang umalis at may inasikaso sa kanilang negosyo o baka naman nagpapahinga ito matapos alagaan ang kanilang anak.

Last week lang rin nang ibahagi ni Angelica ang pagkikita nila ng kanyang malapit na kaibigang si Judy Ann Santos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Kwento niya, tatlong oras na raw kasi siyang umiiyak na marahil ay dahil sa kanyang postpartum depression kaya naman tinanong siya ng kanyang partner kung nais nitong makita ang kanyang Ate Juday na sinang-ayunan naman ng aktres.

Nabanggit rin niya na buhat nang magsimula ang kanyang pagbubuntis ay hindi nakakalimot si Judy Ann na magpadala sa kanya ng care packages.

“THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat lahat. Napakabuti niyo sakin, kay Gregg at ngayon kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized minnie mouse doll at may dessert pa from chef luna,” pagpapasalamat ni Angelica kay Judy Ann at sa buong pamilya nito.

Related Chika:
Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending