Angelica Panganiban 'duguan', 'sugatan' bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu Bandera

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Therese Arceo |September 28,2022
share this

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Therese Arceo - September 28, 2022 - 02:25 PM

Angelica Panganiban 'duguan', 'sugatan' bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu
NAGBIGAY ng update ang aktres na si Angelica Panganiban ukol sa kanyang buhay bilang first-time mom.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya na “madugo” at “sugatan” ang kanyang ganap sa unang linggo ng kanyang pagpapa-breastfeed sa anak nila ni Gregg Homan na si Baby Bean.

“As a duguan and sugatang mom, and its only been 1 week of breastfeéding. Haakaa, and hand express is the key,” saad ni Angelica.

Aniya, nakaka-proud daw at nakakawala raw ng kanyang nararamdamang depression ang mga nangyayari matapos ang kanyang pagbubuntis at panganganak.

“Medyo nakaka-proud and at nakakawala ng depression yung turn of events. 2 rounds of pumping pa lang at parang may mabubusog na naman akong apakatakaw na baby,” pagpapatuloy ni Angelica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Matatandaang nitong September 20 nang ipanganak ng aktres ang kanilang panganay na anak na si Amila Sabine Homan o si Baby Bean.

Samantala, muli na namang nakaramdam ng “kaba” si Angelica matapos makatanggap ng mga padala mula sa kanyang malapit na kaibigang si Kim Chiu.

Nagpadala kasi ang “It’s Showtime” host ng napkaraming food trays kay Angge na bagong panganak at ibinandera niya ito sa kanyang Instagram stories.

Pabirong sey niya, “Kinakabahan talaga ko, baka hinging kapalit nito yung anak ko. Ang dami dami mong padala! Buong Makati ang makakakain nito.”

Matatandaang nawindang rin kamakailan si Angelica matapos magpadala ng napakaraming regalo si Kim sa inaanak nitong si Baby Bean.

“Grabe yung ninang Kimmy, hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya yung napag-iiwanan siya. Tingnan po ninyo, akala ko anak niya,” saad ni Angge.

“Parang kinakabahan ako, parang ipinabitbit lang sa sinapupunan ko ang bata, parang kukunin po niya sa dami po ng kanyang ipinadala,” sey pa ni Angelica.

Sa kabila ng pagbibiro ay hindi naman nakalimot si Angelica na magpasalamat sa pagiging thoughtful ng kaibigan sa pagpapasadala ng pagkain.

“This is from Momsy Kimmy, thank you so much, Momsy Kimmy. O diba, hindi kami magugutom?” hirit pa niya.

Related Chika:
Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending