Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto Bandera

Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Ervin Santiago |July 31,2022
share this

Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Ervin Santiago - July 31, 2022 - 07:16 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

IBINAHAGI ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na bago siya nagbuntis ay marami na siyang mga bagong natutunan sa kanyang personal na buhay.

Feeling niya, talagang inihanda muna siya ni Lord sa mga bagay-bagay na kailangan niyang malaman at matutunan bago  biniyayaan ng anak.

Sa bagong YouTube vlog ng nagdadalang-taong aktres, ipinasilip niya at ng kanyang parter na si Gregg Homan ang kanilang domestic life, kung anu-ano ang pinagkakabalahan nila sa araw-araw.

Mapapanood sa nasabing vlog ang usual routine ng live-in couple – mula sa pagpasok ni Gregg sa trabaho, sa pag-aalaga ni Angelica sa sarili para sa kaligtasan at kalusugan ng baby sa kanyang tummy tulad ng maternity yoga at iba pang exercise.

Si Angelica rin ang nag-aasikaso sa mga gawaing bahay tulad ng pagluluto at paglalaba pati na ang paglilinis ng kanilang bahay.

“Natuto ako maglaba mga 2019. Nag-decide ako na hindi ako kukuha ng help sa bahay. Okay siya, ang dami kong natutunan. Natuto akong maglaba, to clean up after myself kapag nagluluto ako,” pagmamalaki ng aktres at future mommy.

Patuloy pa niya, “So parang ‘yun lang siguro hinintay ni Lord na, ‘Okay ba, kaya mo ba talaga alagaan sarili mo?’ So binigyan niya ako ng baby!”

Sa bandang huli ng video, makikita naman si Gregg na nagluluto para sa dinner nila ni Angelica. Ipinakita rin ang paggo-grocery nila para sa mga pangangailangan nilang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Kamakailan, sa part 2 naman ng kanilang Thailand vlog makikita ang pag-iyak ni Angelica habang nasa loob sila ng sasakyan na mukhang pabalik na sa tinutuluyan nilang hotel.

Nang makita siya ni Gregg na lumuluha, agad siyang tinukso at tinanong kung bakit umiiyak na naman siya. Napapadalas daw kasi ang pagiging emosyonal ng aktres nitong mga nagdaang araw.

“Yan na naman po yung isang character niya. Di ko po alam kung anong pangalan nito eh. Bigla na lang siyang iiyak. Ba’t ka umiiyak?” tanong ni Gregg kay Angelica.

Sagot ng nagdadalang-taong aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend habang humihikbi, “Wala lang, ang saya ng buhay ko.”

Sey naman ni Gregg, baka raw akalain o isipin ng kanilang driver siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Angelica.

“Baka isipin nu’ng driver nag-aaway tayo. Di ka naiiyak dahil pauwi tayo?” hirit ni Gregg.
Sey naman ng aktres sa tatay ng kanyang magiging anak, “Iniisip ko kasi ang saya ng buhay ko. Parang wala lang…ang saya lang. So, Overwhelming lang yung happiness. Yun lang.”

Nagtungo sina Angelica at Gregg sa Thailand para doon mag-celebrate ng Father’s Day. Yun ang first trip nila sa ibang bansa na magkasama.

Angelica pinaglilihian ang dyowa: Umiiyak ako lagi, ang sakit-sakit sa akin kapag hindi ko siya nakikita

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Angelica naniniwalang magiging mabuti at responsableng tatay si Gregg: Happy Father’s Day my Love!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending