Angelica sa 40th day ng pagpanaw ng ina: Aakyat ka na sa heaven

Angelica sa 40th day ng pagpanaw ng ina: Ngayon ka raw aakyat sa heaven

Ervin Santiago - September 30, 2024 - 11:43 AM

Angelica sa 40th day ng pagpanaw ng ina: Ngayon ka raw aakyat sa heaven

EMOSYONAL na inalala ng aktres na si Angelica Panganiban ang 40th day ng pagpanaw ng kanyang inang si Annabelle “Ebela” Panganiban.

Idinaan ni Angelica ang nararamdamang pangungulila at matinding pagka-miss sa namayapang ina sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng Kapamilya actress ang video ng kanyang nanay habang nagbibigay ng mensahe para sa kasal nila noon ni Gregg Homan.

Aniya sa caption, “11:18PM exactly 40days ago. Tinawag ka na ni Papa God. Sabi nila, ngayon ka daw aakyat papuntang heaven.

“Sana hindi ka hiningal paakyat Ma. Sana masaya ang welcome party mo dyan sa taas. Sana rin nakita mo ang celebration mo dito,” ang pahayag pa ni Angelica para sa pa-40 days ng pinakamamahal na nanay.

Baka Bet Mo: Ogie nagpaka-‘fanboy’ kay Gary, naging inspirasyon sa buhay, career

Pagpapatuloy pa ng celebrity mom, “Maraming bumisita at nagpaalam sayo Ma. Sana nakita mo ang mga luha at narinig mo ang mga tawanan namin habang pinag-uusapan ka namin.

“Sana may last sermon pa Ma. Sana may huling tawanan pa. Last bilin. Huling I love you. Sana mas marami pang oras Ma,” lahad pa ng aktres.

Inamin din ni Angelica na hindi pa talaga siya handa sa pagkawala ng ina, “Hinanda mo ko sa maraming bagay, pero hindi du’n sa wala ka na.

“Hindi ako handa sa huling usap, huling yakap, huling asaran at huling tawa mo,” aniya pa.

“Ma, ikaw ang bumuhay sakin kaya ikaw ang buhay ko. Kumpyansa sa mga takot ko. Gabay sa dilim, katahimikan sa gulo.

“Pagmamahal at pagpapatawad sa bawat galit ko. Ikaw ang Mama ko. Ikaw lang. Mahal na mahal kita Ma. Hanggang sa muli,” pahayag pa ni Angelica.

Noong August 22 ibinalita ni Angelica sa pamamagitan din ng social media ang pamamaalam ng kanyang nanay.

Binigyan din niya ng tribute ang ina noong nabubuhay pa ito sa second wedding nila ni Gregg na ginanap sa Siargao.

“Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao. Madalas tayo mag biruan, sinasabi mo na alagaan ko si Gregg at UMAYOS AKO. ang sagot ko naman, maaa, dead na dead yan sakin.

“Pero ang totoo, hindi ako magiging sapat na mama ni Bean (anak nila ni Gregg) ngayon at may bahay ni Gregg kung hindi mo ko napalaki ng tama,” sabi pa ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Lahat ng meron ako ngayon ay pasasalamat ko sayo. Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan. Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa.

“Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita ma,” sabi pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending