Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako... Bandera

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Therese Arceo |September 22,2022
share this

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Therese Arceo - September 22, 2022 - 07:53 PM

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako...
IBINANDERA ng aktres na si Angelica Panganiban ang mga regalo ng malapit na kaibigang si Kim Chiu para sa kanyang magiging baby girl.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang mga nakakalulang gifts ng aktres para sa kantang future inaanak.

“Grabe yung ninang Kimmy, hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya yung napag-iiwanan siya. Tingnan po ninyo, akala ko anak niya,” saad ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Parang kinakabahan ako, parang ipinabitbit lang sa sinapupunan ko ang bata, parang kukunin po niya sa dami po ng kanyang ipinadala.”

Talaga namang damang-dama ang pagmamahal ni Kimmy sa magiging panganay na anak nina Angelica at Gregg dahil tila hindi maubos-ubos ang mga regalo nito.

Makikita sa naturang video ang iba’t ibang knittens, baby dresses, swaddle, baby rocker, at marami pang iba.

“Baby mo ba to momsy? Thank you so much talaga. Ang dami-dami. It’s never ending. Thank you so much. We’re so happy parents. Sana pati educational plan ipinadala mo na. We love you,” pabirong hirit pa ni Angelica.

Chika pa niya, “Momsy @chinitapricess may contest po ba sa pagiging ninang?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Samantala, noong Setyembre 15, nag-post naman si Angelica ng larawan kasama si Kim at ang isa pa nilang malapit na kaibigang si Bela Padilla.

Aniya, “Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko.”

Makikita rin sa naturang post ang iba pang mga kaibigan niya sa dating Kapamilya comedy show na “Banana Sunday” pati na rin sina Glaiza De Castro, Maxene Magalona, Bea Alonzo, Ketchup Eusebio, Alyssa Valdez, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Anne Curtis, Angel Locsin, Dimples Romana at marami pang iba.

Related Chika:
Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

Angelica Panganiban ayaw nang maniwala sa ‘kembak’: Kapag may history ng pambubudol, never again!

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending