Hugot post ni KC tungkol sa ‘baby’ patutsada nga ba kay Mega?
KC Concepcion at Sharon Cuneta
MAY kinalaman kaya ang post ni KC Concepcion na, “Independent woman… but sometimes you just want to be babied. Is it bad to want thisss?” sa nababalitang isyu raw sa pagitan nila ng inang si Sharon Cuneta?
Iniintriga kasi ang pagpunta ng Megastar sa New York City, USA para i-surprise visit ang kapatid ni KC na si Frankie Pangilinan na kasalukuyang nag-aaral doon.
Ipinost kasi ng Megastar limang araw na ang nakararaan na papunta siya ng NYC para dalawin ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan sakay ng private plane na pag-aari ng kanyang kaibigan.
Sa Newark Liberty International Airport ng New Jersey sila lumapag at saka sinundo ng chopper plane patungo ng New York City.
Maraming netizens ang nagtanong kung bakit si Frankie lang ang bibisitahin ni Sharon, paano naman daw si KC na nasa Los Angeles, California?
Isa rin ito sa tanong namin, pero naisip namin na baka limitado rin ang oras ng Megastar kaya nga siya naka-private plane para mabilis siyang makarating.
Dahil base sa tsinek naming oras kung pupuntahan ni Sharon ang anak na si KC sa Los Angeles by land travel ay aabutin siya ng mahigit 42 hours, kung sakay ng pribadong eroplano ay 6 to 9 oras at kung magti-train naman siya ay aabutin ng 78 hours.
Sa madaling salita, mahabang oras ang kakainin ng biyahe ni Sharon kung tutuloy pa siya kay KC, e, mukhang limitado lang ang oras nito dahil kinailangan niyang bumalik kaagad ng Pilipinas para samahan ang asawang si Sen. Kiko na maghain ng kanyang kandidatura bilang re-electionist.
Pero sa kabilang banda, baka naman may ibang pinatutungkulan si KC dahil base sa mga nabasa naming komento mula sa netizens tungkol sa post niyang gusto niyang maranasang bine-baby siya ay baka ang lalaking mag-aalaga sa kanya ang nais niya.
Base sa komento ni @_simple_me_, “I had this feeling before, you just haven’t found that person! Don’t search for him coz when it comes, that’s forever.”
Payo naman ni @ucpc19, “May you find your soul mate. Keep exercising to stay fit! Not necessarily to be thin but to be fit.”
Sabi rin ni @sheng_underwood, “That person should be very special because you already have it all. Hope you can find him soon and he will shower you all the love you deserve.”
Mula kay @nataliamckintosh, “This is what I like about you. So cool & full of positivity. Deadma ka lang mga nega news and comments about you. Toxic family is inevitable but I always admire how you handle these things. So classy. We love you. #teamkcforever.”
Sumang-ayon din si @nolasco6750, “Don’t give up! Someone still want you to be his babes somewhere out there in a perfect time..enjoy your life.”
May nagsabi naman na natagpuan na raw ni KC ang ka-match niya sabi ni @melgiescakes, “she got one already the French guy , He is a perfect match for her.”
Ang tinutukoy na French guy ay si Pierre Plassart na nakarelasyon ng dalaga pero hindi rin nagtagal dahil hindi umubra sa kanila ang LDR o long distance relationship.
Sa kasalukuyan ay nasa New York pa rin si Sharon at kaka-post lang niya ng larawang nasa balcony siya at kinunan ang swimming pool sa baba.
“From the first floor balcony of my two-storey suite. Cool, fresh air. Loving New York still,” sabi niya sa caption.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.