Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nag-explain kung bakit 'Dylan' ang ipinangalan sa kanilang baby | Bandera

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nag-explain kung bakit ‘Dylan’ ang ipinangalan sa kanilang baby

Ervin Santiago |October 18,2022
facebook
share this

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nag-explain kung bakit ‘Dylan’ ang ipinangalan sa kanilang baby

Ervin Santiago - October 18, 2022 - 07:19 AM

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado nag-explain kung bakit 'Dylan' ang ipinangalan sa kanilang baby

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Baby Dylan

NAGPALIWANAG ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung bakit “Dylan” ang napili nilang pangalan para sa kanilang first baby.

Karaniwan kasing ibinibigay ang name na Dylan sa mga lalaki kaya marami ang nagtatanong kung ano ang meaning at kahalagahan ng nasabing pangalan sa mag-asawa.

Ayon kay Dennis na gabi-gabing napapanood sa hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra”, talagang pinag-isipan nila ni Jen ang name ng una nilang baby para mas maging espesyal.

Paliwanag ng Kapuso Drama King sa isang episode ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, “Si Jen, na-amaze siya doon sa mga lalaking pangalan na ginagamit ng babae.

“So nag-isip kami ng isa na merong mga letters ng pangalan ko, letters ng pangalan niya,” simulang paliwanag ni Dennis.

Patuloy pa niya, “Naisip namin, ‘oh, ito na lang. Parang bagay din ‘to. Parang match din kay Bob Dylan.’ Mahilig kami sa music niya. ‘Yon, naging Dylan.”

Mula noong isinilang si Dylan last April, 2022, talagang kinakarir ni Dennis ang pagiging super hands-on daddy. Sa katunayan, pagkauwing-pagkauwi niya galing sa lock-in taping ng “Maria Clara at Ibarra” ay ginagampanan niya agad ang kanyang daddy duties.

“Pag-uwi ko sa trabaho, kapag nakapaglinis na ako, gagawin ko na ang trabaho ko bilang daddy. Pinapalitan ko siya (Dylan) ng diaper, pagkatapos nu’n, gutom na rin siya, so magtitimpla rin ako ng gatas, padededehin ko na.

“After that, kailangan ko siyang patulugin ulit. Swerte ako kapag nakatulog siya agad kasi pwede na akong magpahinga.

“Tapos bandang 6 a.m., gigising naman ako kasi kailangan painumin ng gamot,” lahad ni Daddy Dennis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)


Sa isa pa niyang interview, sinabi ni Dennis na sa kabila ng hirap, pagod at puyat “very fulfilling” naman daw ang pagiging tatay at nag-eenjoy sila ni Jen sa pag-aalaga kay Baby Dylan.

Ikinasal sina Dennis at Jennylyn noong November, 2021.

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jennylyn ‘iniwan’ agad ni Dennis 1 araw pagkatapos magpakasal: Siyempre, nakakalungkot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending