Jennylyn 'iniwan' agad ni Dennis 1 araw pagkatapos magpakasal: Siyempre, nakakalungkot Bandera

Jennylyn ‘iniwan’ agad ni Dennis 1 araw pagkatapos magpakasal: Siyempre, nakakalungkot

Ervin Santiago |December 13,2021
share this

Jennylyn ‘iniwan’ agad ni Dennis 1 araw pagkatapos magpakasal: Siyempre, nakakalungkot

Ervin Santiago - December 13, 2021 - 07:19 AM

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

ISANG araw lamang pagkatapos ng kanilang simple and intimate wedding ay kinailangan nang iwan muna ni Dennis Trillo ang asawang si Jennylyn Mercado.

Maraming nagtatanong na fans kung kumusta na ang bagong kasal at anu-ano ang mga adjustments na hinarap nila ngayong legal na ang kanilang pagsasama at very soon ay magkakaroon na rin ng anak.

Kaya naman nagdesisyon ang Kapuso couple na gumawa ng vlog kung saan ibinahagi nila ang ilang kaganapan sa buhay nila matapos “magkahiwalay” sa unang pagkakataon after their wedding.

Sa kanilang latest video sa YouTube na may pamagat na “Apart | Episode 7 | After All: Jennylyn & Dennis,” nabanggit ng Kapuso Drama King na ito ang unang pagkakataon na iiwan niya pansamantala ang asawa dahil kailangan na niyang sumabak muli sa lock-in taping.

Inamin ni Jen na totoong inatake siya ng kalungkutan dahil nga  isang araw lang matapos silang ikasal ay kailangan nang umalis si Dennis para magtrabaho.

“Siyempre, nakakalungkot dahil isang araw lang pagkatapos ng wedding namin, kailangan na ulit umalis ni Dennis para magtrabaho.

“Naiintindihan naman namin ‘yun. Kailangan naming intindihin pareho ‘yun dahil ‘yung commitment na ‘yon dumating bago pa namin magawa lahat ng plano,” pahayag ni Jen na naiwan sa kanilang condo unit habang nasa lock-in taping nga si Dennis.

Paliwanag ni Dennis, hindi kasi niya pwedeng talikuran ang natanguang commitment lalo’t matagal na itong naka-schedule.


Sey pa ng nagdadalang-taong aktres, nakakapanibago nu’ng una dahil nga nasanay na siyang palaging kasama ang asawa pero nang nagtagal na ay nakapag-adjust na rin siya.

Sa katunayan, nakakapunta na siyang mag-isa sa ospital para magpa-check up.

“Sa simula, medyo nanibago ako kasi marami akong mga kailangang gawin na hindi kasama si Dennis. Medyo kailangan ko mag-adjust. First time kong pumunta sa ospital nang hindi siya kasama.”

Sa huling bahagi ng video, ipinakita rin ng celebrity couple ang muli nilang pagkikita matapos ang bubble taping ni Dennis. Nag-kiss pa nga ang dalawa na ikinakilig ng kanilang mga tagasuporta.

Nangako naman sina Jen at Dennis na ibabahagi rin nila sa publiko sa pamamagitan ng vlog ang lokasyon ng isa sa mga ipatatayo nilang dream house para sa kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending