Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet | Bandera

Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet

Ervin Santiago - October 01, 2023 - 11:43 AM

Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet

Photos from ABS-CBN Instagram

PATALBUGAN ang mga Kapamilya stars sa ABS-CBN Ball 2023 last Saturday, September 30, na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel.

Kanya-kanyang eksena ang mga loveteams at celebrity couples sa red carpet ng naturang event na pinangunahan ng Box-Office stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngayong taon, ang ABS-CBN Ball ay may theme na “Forever Grateful” kung saan ipinagdiriwang ng network ang lahat ng nakamit nilang tagumpay sa kabila ng pagkawala ng kanilang prangkisa at ng COVID-19 pandemic.

Isang charity event din ang naganap na ABS-CBN Ball at ang funds na malilikom dito ay mapupunta sa mga sinusuportahan at tinutulungan ng ABS-CBN Foundation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN (@abscbn)


Agaw-eksena siyempre ang Kapamilya couple na sina Daniel at Kathryn na abot-langit ang pasasalamat sa lahat ng blessings na natanggap nila nitong mga nagdaang taon.

Sa panayam sa kanila ng members ng press sa red carpet ng Ball, naibahagi nila ang kanilang mensahe para sa lahat ng kanilang supporters all over the universe.

Baka Bet Mo: Kapamilya stars excited na sa pagbabalik ng Star Magic Ball, sports fest ngayong 2022

Sabi ni Daniel, “Ako siyempre lahat tayo na nandito ngayon, this is very nice and this is very good for ABS-CBN and siyempre ang pagkikita nating lahat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN (@abscbn)


Sey naman ni Kathryn, “I’m grateful for a lot of things especially for family and for my friends, sobra ko silang na-appreciate.

“And of course for work as well, work is good. I am happy for Philippine cinema as well so ang dami nating dapat i-celebrate at ipagpasalamat na may trabaho tayo,” pagbabahagi pa ni Kathryn.

Bukod sa KathNiel, dumalo rin sa bonggang-bonggang event ang magdyowang sina Coco Martin at Julia Montes; Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo; Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Luis Manzano and Jessy Mendiola; Carlo Aquino at Charlie Dizon; Elisse Joson at McCoy de Leon.

Present din sina Vice Ganda at Ion Perez, Chie Filomeno at Jake Cuenca; Gerald Anderson and Julia Barretto; Maja Salvador and Rambo Nuñez; Rico Blanco and Maris Racal; Sam Milby at Catriona Gray; Sue Ramirez at Javi Benitez; Jericho Rosales at Kim Jones.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN (@abscbn)


Naroon din sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo; Anthony Pangilinan and Maricel Laxa-Pangilinan; Ria Atayde and Zanjoe Marudo; Iza Calzado and Ben Wintle; at Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Celebrity couples patalbugan ng OOTD sa ABS-CBN Ball 2023; Kathryn, Daniel agaw-eksena sa pagrampa sa red carpet

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa pasabog ang OOTD sa ABS-CBN Ball 2023: ‘Just wait and see!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending