Ruffa pasabog ang OOTD sa ABS-CBN Ball 2023: 'Just wait and see!' | Bandera

Ruffa pasabog ang OOTD sa ABS-CBN Ball 2023: ‘Just wait and see!’

Ervin Santiago |September 30,2023
facebook
share this

Ruffa pasabog ang OOTD sa ABS-CBN Ball 2023: ‘Just wait and see!’

Ervin Santiago - September 30, 2023 - 09:19 AM

MARAMI ang nakapansin at pumuri sa sexy and revealing OOTD ni Ruffa Gutierrez sa birthday at anniversary celebration ni Sen. Bong Revilla nitong nagdaang Lunes sa Okada Manila.

In fairness, agaw-eksena ang kaseksihan ng actress-host sa nasabing event kaya naman marami ang nag-aabang kung ano naman ang magiging pasabog niya sa inaabangang ABS-CBN Ball.

Ngayong Saturday night na magaganap ang naturang Kapamilya event sa Shangri-La Makati na inaasahang dadaluhan ng naglalakihang bituin ng ABS-CBN.

At base sa mga nababasa naming komento sa social media, excited na ang madlang pipol na makita kung ano ang isusuot ni Ruffa sa ABS-CBN Ball.

Balitang nag-fitting na ang aktres sa shop ni Rajo Laurel para sa gagamitin niyang gown ngunit ayaw pa raw niyang magbigay ng details kung ano ang design at color ng kanyang gown.

Baka Bet Mo: Netizens naloka sa P47k grocery ni Ruffa Gutierrez: ‘Sana all ‘di na kailangan tipirin ang P1k!’

“Just wait! But I’m excited to attend. Actually I’m invited to so many events but I hardly go to any of them because I’m super busy taking up my masters in communication arts at PWU, busy with tapings.

“And I also have a new secret show that I taped that will air beginning of 2024,” ang pahayag ni Ruffa sa isang panayam.

Pero nang tanungin kung mas magiging sexy at daring ang kanyang pasabog na OOTD sa ABS-CBN Ball, laugh lang nang laugh si Ruffa.

“Ha-hahaha. Secret! Just wait and see sa event na mismo,” ang tanging sagot ni Ruffa.

But knowing Ruffa, sure na sure kaming hindi siya magpapatalbog sa pinakaaabangang event ng ABS-CBN at talagang mapapalingon sa kanya ang lahat ng dadalo sa event.

Samantala, siguradong matutuwa ang mga fans ng aktres sa magiging role niya sa upcoming Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love”.

Ito’y pinagbibidahan ng isa sa mga phenomenal loveteam sa Philippine showbiz industry na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Related Chika:

Banat ni Kylie Verzosa sa basher na nakialam sa kanyang OOTD: ‘Dapat iba na rin IG ng mga matatanda!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron Geisler imbitado uli sa ABS-CBN Ball matapos ma-ban ng 14 years: I won’t mess it up!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending