Baron imbitado uli sa ABS-CBN Ball matapos ma-ban ng 14 years

Baron Geisler imbitado uli sa ABS-CBN Ball matapos ma-ban ng 14 years: I won’t mess it up!

Pauline del Rosario |September 17,2023
facebook
share this

Baron Geisler imbitado uli sa ABS-CBN Ball matapos ma-ban ng 14 years: I won’t mess it up!

Pauline del Rosario - September 17, 2023 - 11:49 AM

Baron Geisler imbitado uli sa ABS-CBN Ball matapos ma-ban ng 14 years: I won’t mess it up!

PHOTO: Instagram/@baron.geisler

MUKHANG handang-handa na ang batikang aktor na si Baron Geisler sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN Ball.

Makalipas kasi ang 14 years mula nang ma-ban siya sa engrandeng event ay nakatanggap na ulit siya ng imbitasyon.

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Baron ang screenshot kung saan makikita na kinumpirma na niya ang kanyang attendance.

Kalakip din niyan ang caption kung saan ibinahagi niya ang rason kung bakit siya na-ban sa event.

“It has been more than a decade since I was invited to the #ABSCBNBALL due to my bad behavior during the previous ones,” wika niya sa IG.

Baka Bet Mo: Baron Geisler binato ng script sa mukha ng direktor: Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out

Dagdag niya, “Now, I am humbled and grateful that they welcome me back with open arms.”

Sinabi rin ng aktor na excited siyang pasalamatan sa personal ang lahat ng kanyang mga boss at siyempre makasama ang ilan sa mga katrabaho at kapwa-artista sa event.

“Can’t wait to thank the bosses personally and to have a wonderful time with my colleagues celebrating each one’s achievements #grateful #bestfootforward #GodIsGood,” saad niya sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)

Sa pamamagitan naman ng kanyang X (dating Twitter) account, nabanggit niya kung gaano kahalaga sa kanya ang imbitasyon.

Ipinangako rin ni Baron na hindi niya sisirain ang tiwala at tsansa na ibinigay sa kanya.

Mensahe niya sa tweet, “Sobrang salamat! For His glory. Sober party for me so I may relish the moment at hindi ko talaga ito malilimutan. 14 years ban. Now okay na po. Thank you Lord!!!!”

Aniya pa, “This means so much to me. This invitation. I won’t mess it up.”

Maraming netizens ang natuwa sa good news ni Baron at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Great! You are getting better. Enjoy every minute of it. Looking forward to more projects and roles for you. You are a great actor!”

“God is good, Bro! We thank Him for what He has done to you. You are now a new creation! God bless”

“You deserve to be happy enjoy the moment Sir Baron [red heart emojis]”

Ang ABS-CBN Ball ay nakatakdang mangyari ngayong Setyembre.

For sure na magtitipon-tipon ang mga star-studded at bigating Kapamilya stars sa pinakaaabangang event kung saan ipinagdiriwang ang kanilang achievements sa entertainment industry.

Ito ang first comeback ng ABS-CBN Ball kasunod ng mga naging hadlang na dala ng pandemya at nang tanggihan ang network ng broadcast franchise noong 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Kapamilya stars excited na sa pagbabalik ng Star Magic Ball, sports fest ngayong 2022

Christian Bables biglang nag-crave ng street food, lumafang ng hotdog, kikiam, fish ball sa UP: ‘Sobrang sarap!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending