Nadia napatawad na si Baron; Sophia Asistio 'di papalitan apelyido

Nadia napatawad na si Baron; anak nilang si Sophia ‘di papalitan apelyido

Ervin Santiago - December 15, 2024 - 12:20 AM

Nadia napatawad na si Baron; anak nilang si Sophia 'di papalitan apelyido

Baron Geisler, Nadia Montenegro at Sophia Asistio

WALANG planong papalitan ng anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Asistio ang kanyang apelyido kahit na alam na ng publiko na si Baron Geisler ang tunay niyang tatay.

May komunikasyon na ngayon si Sophia sa kanyang amang si Baron at magandang senyales ito sa mas maayos na relasyon sa pagitan ng mag-ama.

Nag-open up sina Nadia at Sophia tungkol sa kanilang personal life sa guesting nila sa isang episode ng “Lutong Bahay” sa GTV hosted by Mikee Quintos.

Binisita ni Mikee kasama ang content creator na si Kuya Dudut, ang bahay ng mag-ina kung saan nagluto sila ng paboritong recipe ng pamilya na callos.

Baka Bet Mo: Kaladkaren babu na sa screen name ngayong kasal na? ‘Ako po si Jervi Wrightson’

Isa sa mga natanong ni Mikee kay Nadia ay kung paano niya ipinagtapat kay Sophia na si Baron ang tunay niyang tatay.

Sey ni Nadia, hindi niya sinabi kay Sophia ang tungkol kay Baron, pero alam daw ito ng kanyang yumaong partner na si Boy Asistio at mga kapatid ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ynna Asistio – Carbonell (@asistioynna)


“She knew inside pero she confronted me when she was 16. I didn’t find any reason naman to parang idutdut pa ‘yung truth kung nakikita ko naman okay naman kami. She’s in contact with her dad,” pagbabahagi ng aktres.

Sa question kung may balak siyang papalitan ang kanyang surname from Asistio to Geisler, “When I see comments na parang, ‘Bakit ganito ‘yung apelyido mo?’ ngayon ko lang sasagutin, I’m very proud sa apelyido na meron ako ngayon.

“I take pride and kung hindi ko siya kailangan palitan, hindi ko  papalitan ‘yung apelyido ko, hindi talaga,” sey ni Sophia.

Ano ang tawag niya ngayon sa tatay niya, “When I talk to him, I just say po, ganu’n lang. I’ve been trying to respect pero there’s still boundaries because I’ve tried na din, parang second chance na lang din ‘to.”

Okay naman daw kay Sophia na magtuluy-tuloy ang communication nila ni Baron, “Siyempre hindi ko rin ika-cut off ‘yung ganung opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa akin. Baka mas mag-grow ako as a person, if may nakita akong, ‘Uy may similarities pala kami.'”

Sey naman ni Nadia, “The right time will come naman kasi hindi naman kayang ako lang mag-isa ang gumagawa ng paraan. Hindi rin naman pwedeng siya lang ang gumagawa ng paraan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundot na tanong ni Mikee kay Nadia kung pinatawad na niya si Baron, “Oo naman. Napatawad ko na siya. Ang tanong, napatawad na ba niya ang sarili niya? We’re open to reconciliation and to forgiveness.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending