Sylvia Sanchez kay Sofia Andres: Kung impakta ka, mas impakta ako! | Bandera

Sylvia Sanchez kay Sofia Andres: Kung impakta ka, mas impakta ako!

Reggee Bonoan - January 09, 2018 - 12:55 AM

ROSELLE MONTEVERDE-TEO, SYLVIA SANCHEZ AT MOTHER LILY MONTEVERDE

NATULALA ang lahat nang humarap si Sylvia Sanchez sa presscon ng “Mama’s Girl” na ginanap sa Valencia Events Place nitong weekend.

Halos kita na kasi ang kalahati ng boobs ni Ibyang sa suot niyang damit kaya naman walang humpay ang pag-klik ng cellphones at mga camera sa kanya.

Ang bilin daw kasi sa kanya ay ibahin ang imahe niya kaya magsuot siya ng kakaiba na sinunod naman niya.

“E, sabi kasi magsuot daw ako ng iba, pang-mayaman kasi may kaya ang role ko sa ‘Mama’s Girl’, so ito, masagwa ba?” tanong ng aktres sa amin.

Sa totoo lang, marami ang na-distract kay Ibyang kaya pati ang Regal Films producer na si Roselle Monteverde-Teo ay sinabihan siyang, “Meryll Streep of the Philippines.” Tinalbugan din ng sexy outfit ni Ibyang ang mga kasama niya sa pelikula.

Tinanong tuloy siya kung kailan ang huling presscon na dinaluhan niya na sexy ang kanyang suot, “Hindi ko maalala, parang noong kabataan ko pa yata.”

Naikuwento ni Ibyang na hindi niya kaagad nakilala si Sofia Andres na sinasabing kamukha ng anak niyang si Ria Atayde na ang tunay na pangalan ay Sophia.

Kuwento ng aktres, “Nauna kasi ang pictorial namin so hindi ko pa ganu’n kakilala si Sofia, mahina kasi ako sa mukha. E siya (Sofia) nanginginig kasi naririnig niya na masungit daw ako, sabi ko, mabait ako pero kung impakta ka, mas impakta ako sa ‘yo.

“Tapos nabanggit niya na kamukha raw niya ang anak kong si Ria, sabi ko naman, ‘oo kamukha mo at saka ‘yung Sofia Andres, kilala mo ba ‘yun?’ Hindi naman siya nagsabing siya pala ‘yun, sabi lang niya, simple girl lang daw si Sofia. Tapos pagdating ko ng bahay, doon ko lang naalala na siya pala ‘yun, nasabi ko tuloy sa anak kong si Ria na may nagawa akong katangahan.

“Kaya tawang-tawa ako sa sarili ko, ngayon part na siya ng Atayde family at naisama ko na siya sa Cebu, sa bahay namin kasama ang buong pamilya ko,” kuwento ni Mama Mina (karakter niya sa Mama’s Girl).”

 

q q q

Samantala, may nagkuwento na napanood na niya ang “Mama’s Girl” at talagang iyak daw siya nang iyak dahil sa relasyon ng mag-ina sa kuwento at talagang kinapitan daw ang karakter dito ni Ibyang bilang si Mama Mina.

Kuwento ng aktres, “Relasyon ng magnanay na sobrang pagmamahal ang ibinibigay na hindi masyadong pinapansin ng anak. Si Abby (Sofia) dahil nga millennial so iba ang paniniwala.

“Pero sa huli malalaman niya ang lahat ng sakripisyo ng inang hindi niya pinapansin. Sa bandang huli saka na lang maiintindihan lahat ni Abby ang sakripisyo ng nanay niya.

“Kaya sa mga anak, mahalin ninyo ang magulang ninyo dahil nag-iisa lang ‘yan kaya habang buhay pa sila, ipakita ninyo na ina-appreciate ninyo lahat ng paghihirap nila,” ani Sylvia.

Samantala, bago umalis si Ibyang sa presscon ay binati siya ni Mother Lily Monteverde dahil sa maganda nitong panuntunan sa buhay.

Sabi ng Regal Matriach, “It’s about time you produce, I will guide you. Hindi tayo puwedeng magsosyo baka mag-away tayo. You know what you’re doing, you’re a smart girl and you have a good heart.”

Sa Regal Films nagsimula si Sylvia at pawang supporting roles lang siya noon o kaya ay nadadaanan lang ng camera pero hindi iyon naging dahilan para ma-down ang aktres bagkus ay nagsikap siya kaya naman narating niya kung anuman ang mayroon siya ngayon.

Kaya siguro nasabi ni Mother Lily na panahon na para mag-produce rin ng pelikula ang aktres dahil alam nito ang ginagawa niya.

“Mabait talaga siya, I can feel it. Kapag pumupunta ako sa bahay nila, she will serve us food, ang dami-dami at masarap,” sabi pa ng lady producer.

Nagulat naman kami sa naging reaksyon ni Sylvia nang iabot sa kanya ang ilang poster ng “Mama’s Girl”, “Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng poster na may pangalan at mukha ko. Imagine sa 27 years ko sa showbiz ngayon lang ako nagkaroon (bukod sa indie movie na ‘Nay) nito. Ipapa-frame ko talaga ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “Mama’s Girl” sina Karen Reyes, Yana Asistio, Allora Sasam, Diego Loyzaga at Jameson Blake mula sa direksyon ni Connie Macatuno at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa. Mapapanood na ito sa Enero 17.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending