Baron Geisler binato ng script sa mukha ng direktor: Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out | Bandera

Baron Geisler binato ng script sa mukha ng direktor: Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out

Ervin Santiago |June 27,2023
facebook
share this

Baron Geisler binato ng script sa mukha ng direktor: Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 07:51 AM

Baron Geisler binato ng script sa mukha ng direktor: 'Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out'

Baron Geisler

NARANASAN na pala ni Baron Geisler na mabato ng script sa mukha dahil sumalang siya sa shooting na hindi kabisado ang kanyang mga dialogue.

Tandang-tanda pa ng Kapamilya actor ang nasabing eksena na naging daan din para mas magsipag at pagbutihin pa ang kanyang trabaho bilang isang artista.

Aminado naman ang celebrity daddy na talagang pasaway at tamad siya noon kaya alam niyang deserve niya ang mapagalitan at mapahiya ng kanilang direktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I was a lazy actor back in the day,” ani Baron sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda“. Sabi ng aktor, isa ang direktor na si Andoy Ranay sa mga taong nagturo sa kanya para maging professional.

“Si Direk Andoy, I think this was at 2 a.m., everyone was prepared and it was a long scene. Magte-take na kami and I mumbled my lines and nag-fumble ako.

“Ayun, binato ako ng script sa mukha. Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out,” pagbabalik-tanaw ni Baron.

“After that, sabi ko ‘natuto na ako, ayoko na may magbato sa akin ng script sa mukha.’ Sineryoso ko yun,” dagdag pang pahayag ng magaling na kontrabida.

Baka Bet Mo: Kylie 1 linggong inatake ng anxiety matapos basahin ang script ng ‘Unravel’, pakiusap ni Gerald: Always be kind…

Samantala, nagbahagi rin siya ng ilang detalye tungkol sa pelikula niyang “Doll House” na pinuri ng mga manonood pati na ng mga kapwa niya artista.

Kuwento ni Baron, habang nagsu-shooting sila para sa nasabing pelikula, “You know we were shooting it guerrilla style sa Netherlands.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“While we were shooting it, di ko naiintindihan yung ginagawa namin… This was my first time to watch myself na buo sa pelikula na I really don’t watch myself,” sey pa ng aktor.

Ipinagdarasal naman ni Baron na sana’y magkaroon ng reunion project ang “Tabing Ilog” family kung saan nakasama niya sina John Lloyd Cruz, Paolo Contis, Patrick Garcia, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria at Desiree del Valle.

“Dasal ko na makatrabaho kaming lahat-lahat. Magkaroon ng reunion film, but let’s see? God willing,” hiling ni Baron.

Janine gustong maging katulad ni Ate Guy: Yung kahit wala kang dialogue, ang lakas ng dating mo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa ‘kin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending