Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024

Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa ‘kin’

Pauline del Rosario |June 05,2023
facebook
share this

Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa ‘kin’

Pauline del Rosario - June 05, 2023 - 12:52 PM

Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa 'kin’

PHOTO: Instagram/@iamangelicap

INAMIN ng aktres na si Angelica Panganiban na hindi pa siya handang bumalik sa mundo ng showbiz.

Kamakailan lang ay ipinagdiriwang ng couple na sina Angelica at Gregg Homan ang isang taon ng pagiging vlogger.

At sa pamamagitan ng kanilang latest question and answer video na ibinandera sa YouTube ay sinagot na ng aktres ang tanong ng fans kung kailan siya babalik sa pag-arte.

Ayon kay Angelica, inaantay lang niyang mag-isang taong gulang ang kanyang anak at doon niya raw pag-iisipan kung tatanggap na siya ng mga proyekto.

“Pwede ko siyang pag-isipan after mag-September, after mag-one year ni Bean,” sey ni Angelica.

Paliwanag niya, “Kasi doon medyo less guilt na siguro ‘yung pagtigil ko sa pagpapadede.”

“Pwede na akong magbasa ng scripts, tumanggap ng offers. Kasi ngayon, nakapila lang sila, but hindi ko pa binubuksan yung pintuan – meaning hindi ako nagbabasa ng script,” chika pa niya.

Nabanggit din ni Angelica na kahit may mga alok nang offers sa kanya ay hindi pa niya ito tinitingnan dahil ayaw niyang matuksong bumalik agad sa trabaho.

Baka Bet Mo: Angelica, Gregg kasado na ang kasal next year, nagpadala na ng ‘save-the-date’ sa mga kapamilya, kaibigan

“Kasi kapag nagbasa ako ng script at may nagustuhan ako, mababaliw ako,” sambit niya.

Biro pa ng aktres, “Baka umalis na lang ako dito at magshu-shooting na ako. Though hindi ko naman yun gagawin talaga.”

“Pero kasi ‘di ba, ayaw kong makakita ng script tapos napanood ko tapos iisipin ko na sa akin dapat ‘yan,” sambit niya.

Dagdag niya, “Ayaw na ayaw ko ng ganung feeling. So iniiwasan ko magbasa.”

Bandang huli ay nilinaw niya na plano niyang mag-umpisa sa susunod na taon.

“Pwede na akong mag-start mag-shoot ng mga January next year, so very, very soon na siya,” ani ni Angelica.

Bukod diyan ay ibinunyag din ng couple na next year na rin silang magpapakasal.

Nakwento pa ni Angelica na nakapagpadala na sila ng mga imbitasyon sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

“Meron na kaming ‘save the date’, sinabi na namin sa mga kapamilya namin abroad para makapagtipid na sila at makapag-ipon na, sa mga friends namin na busy ‘yung schedule nila sa life,” kwento ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Marami silang commitments kaya inunahan na namin sila na i-save na ‘yung araw na ‘yun.”

Biro pa ng aktres, “So finally, pakakasalan ko na ‘to kasi deads na deads sakin. Pagbibigyan ko lang.”

Kung matatandaan, noong January 2021 nang isinapubliko nina Angelica at Greg ang kanilang relasyon.

Noong Mach 2022 naman nang inanunsyo ni Angelica na siya’y buntis at ipinanganak niya ang first baby nila ni Greg noong nakaraang Setyembre.

Related Chika:

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charo Santos-Concio first time makaranas ng walang script sa tagal na sa pag-arte: Napakaibang experience po ito para sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending