Mura wish makabalik sa showbiz after maaksidente, masunugan

Mura hiling na makabalik sa showbiz matapos maaksidente, masunugan

Ervin Santiago - January 13, 2025 - 12:05 AM

Mura hiling na makabalik sa showbiz matapos maaksidente, masunugan

Allan Padua a.k.a. Mura

TODO ang pasasalamat ng komedyanteng si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay dahil sa mga tulong na natatanggap niya mula sa mga taong may mabubuting kalooban.

Kamakailan lamang ay sumailalim si Mura at ang kanyang ama sa medical check-up sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation.

Personal na binisita ng staff ng Kapuso Foundation ang dating komedyante nang magsagawa ang mga ito ng relief operations sa Bicol Region, ayon sa ulat ng “24 Oras” nitong nagdaang Biyernes.

Kung matatandaan, biglang nawala sa mundo ng showbiz si Mura matapos maaksidente na naging dahilan ng pagkabali ng kanyang balakang noong 2010.

Baka Bet Mo: Mura inaming hindi pa nakakarating ang tulong ni Vhong; may warning sa mga naninira sa kaibigan

Kuwento ni Mura, gumaling na raw ang kanyang injury ngunit may mga pagkakataon na nahihirapan pa rin siyang maglakad.

“Sinemento siya, may casting siya, so humilom naman siya kaya umikli naman konti ‘yung paa ko, siguro dalawang pulgada. Minsan nadadapa na lang ako,” pagbabahagi ni Mura sa naturang panayam.

Hindi pa du’n natapos ang mga pagsubok kay Mura dahil noong April 2024 naman ay naabo ang kanilang bahay sa Ligao City, Albay dahil sa sunog.

Pero naging matatag at palaban pa rin ang komedyante dahil sa mga taong patuloy na tumutulong at nagmamalasakit sa kanilang pamilya.

“Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kanilang lahat, binigyan nila ako ng pag-asa. Ang hirap kapag wala ka talagang sariling bahay,” sabi ni Mura.

Kasama ang GMA Kapuso Foundation, nagsagawa ang ilang medical check-up si Ligao City Health Officer Dr. Marissa Dela Cerna kay Mura at sa kanyang tatay.

“Pag ganu’n kasi na may injury, kahit na gumaling na po ‘yun, pag nai-i-stress ka, pag malamig, pag overused, may certain na mararamdaman ka pa rin na discomfort,” ayon kay Dr. Dela Cerna.

Dagdag pa niya, “Pero si tatay, may bali po ‘yung hita niya sa kanan. Lalagyan ng bakal ‘yung nabali na hita niya kaya lang ayaw po ni tatay magpaopera.”

Kasunod nito, nangako ang Ligao City Health Office kay Mura na bibigyan silang mag-ama ng mga gamot at vitamins kada buwan para hindi na sila gumastos pa. May bonus pa silang groceries at hygiene kits.

Mensahe naman ni Mura, “Bigyan pa sana Niya ako ng karagdagang lakas para siyempre magampanan ko ‘yung tungkulin ko rito sa pamilya namin.

“Kung sakali, baka pwede pa maging artista ulit,” ang hiling pa ni Mura.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana’y makarating sa mga TV network at mga movie producer ang wish ng komedyante at mabigyan pa siya ng panibagong pagkakataon na makapagtrabaho uli sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending