Mura inaming hindi pa nakakarating ang tulong ni Vhong; may warning sa mga naninira sa kaibigan | Bandera

Mura inaming hindi pa nakakarating ang tulong ni Vhong; may warning sa mga naninira sa kaibigan

Therese Arceo |August 18,2021
facebook
share this

Mura inaming hindi pa nakakarating ang tulong ni Vhong; may warning sa mga naninira sa kaibigan

Therese Arceo - August 18, 2021 - 04:19 PM


MARAMI ang kumakalat na videos sa YouTube na nagsasabing naipaabot na ni Vhong Navarro ang tulong pangkabuhayan sa kaibigang si Mura. Ngunit amin ng aktor, hindi pa niya naaabutan ng tulong ang kaibigan.

“Wala pa akong contact kay Mura,” pahayag ng aktor.

Bukal naman sa loob ng aktor na tulungan ang kaibigan ngunit amin nito, nais niyang direktang ipaabot ang tulong at hindi sa ibang tao upang hindi mabiktima ng mga mapagsamantala ang kaibigang nangangailangan.

Matatandaan na isa si Vhong sa mga nabanggit ni Mura nang alalahanin ang mga naging malapit sa kanya nang siya’y nag-aartista pa.

Sa vlog ni Mygz kung saan binisita nila si Mura sa kaniyang tirahan, natanong ni Mygz kung nakarating na si Vhong o ang tulong nito kay Mura.

“Si Vhong naman, willing naman siguro tumulong. Hindi pa niya siguro nakukuha ‘yung contact number ko kaya siguro ‘di pa nakakarating ang tulong nila,” saad ni Mura.

Ibinalita rin nila Mygz st Mahal na maraming kumakalat na balita na sinasabing nagbigay na ng tulong si Vhong sa kanya.

May mensahe naman si Mura para sa mga naninira sa kaibigan.

“‘Yung mga naninira sa kanya, naku! Mag-ingat ingat kayo. Baka bumalik sa kanila (mga naninira) ‘yan.”

Nagkasama sina Vhong Navarro at Mura sa mga pelikulang Agent X44 (2007) at SupahPapalicious (2008).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending