Ryan Recto artistahin ang datingan, plano rin kayang mag-showbiz?

PHOTO: Facebook/Ryan Christian Santos-Recto
“THE main goal is service, so, 100% of time and energy do’n muna ako,” ito ang sagot ni Ryan Christian Recto na kumakandidato bilang congressman sa ika-anim na distrito ng Batangas.
Natanong muli ang bunsong anak ng Star for All Seasons at nagbabalik bilang gobernadora ng Batangas na si Ms. Vilma Santos-Recto kung may plano itong pasukin ang showbiz na nakamulatan niya dahil ito ang unang karera ng ina bago pinasok ang pulitika.
At nabanggit din niya ulit na hilig niya ang musika pero makakapaghintay ito dahil ang pagsisilbi sa tao ang prayoridad niya.
“Maybe in the future with showbiz I always enjoyed music or I can do that on the side also but I think for now, politics is more meaningful to be able make a difference,” pahayag ni Ryan Christian.
Natitigan ng husto si Ryan ng nasa entablado sa ginanap na mediacon para sa Barako Festival 2025 na inorganisa ng Puso at Talino managing director na si Bryan Diamante na kung papasukin nito ang showbiz ay tiyak na pasok siya dahil habang natitigan daw siya ay mas lalong gumugwapo dahil sa kanyang charm.
Baka Bet Mo: Vilma, Luis, Ryan matapang na sinagot ang isyu ng political dynasty
Sabi naman naming na kahawig niya ang English actor/film producer/director na si Jude Law noong kabataan nito at um-oo naman ang mga kasama naming sa panulat.
Sa edad na 28 going 29 this March 29 ay hindi rin niya prayoridad ang pagkakaroon ng girlfriend pero aminadong may naka-relasyon na siya rati at hindi naman na siya nagbigay pa ng anumang detalye tungkol dito.
Maraming nagkakagusto raw sa binatang anak ni Ate Vi at natawa ito, “First of all I don’t think so, ha, ha, ha I don’t know what to say, I’m just flattered I guess. Thank you.”
Kaya sa nakaraang Araw ng mga Puso ay, “Barako Fest, enjoy dito with everyone. Have a good time with my family,” saad ng binata.
Inamin din ni Ryan Christian na may mga showbiz crushes siya pero hindi na niya binanggit kung sino na naitanong din noong nakaraang taong Barako Festival 2024 na muntik nang sabihin ng mommy Vilma niya pero pinigilan niya.
At sa ikalawang pagkakataon ay natanong ito ay nanatiling tikom ang bibig ni Ryan, “That’s a secret na lang, ha, ha, ha.”
Samantala, natanong din ang binata kung naapektuhan siya sa mga kritisismong ibinabato sa kanya at sa pamilya niya.
“I’m always open to constructive criticisms, yeah always open. I think bashing is part of it expected naman,” saad ni Ryan Christian.
Samantala, base sa nabasa naming reaction ng mga nakapanood sa performance ni Ryan pawang positibo.
“Cool Congressman Ryan Christian Recto.”
“Kapogiii talaga.”
“Baby nyo.”
“Ganddaaaa Ng bossesssss nitoooo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.