Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon | Bandera

Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon

Pauline del Rosario |February 24,2023
facebook
share this

Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon

Pauline del Rosario - February 24, 2023 - 11:00 AM

Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon

PHOTO: Instagram/@iamangelicap

MARAMING first time moms ang nakaka-relate sa latest post ng aktres na si Angelica Panganiban.

Ito ay pagdating sa “co-sleeping” kasama ang kanyang newborn na anak na si Baby Bean.

Sa Instagram, inihayag ni Angelica ang pagiging clingy ng kanyang sanggol kalakip ang mga litrato na magkatabi silang natutulog.

Ikinuwento pa niya na ayaw matulog sa crib ng kanyang anak kaya ito ay itinabi nalang niya sa kanyang kama at sabay silang natulog.

Sabi pa niya na hindi raw siya sanay sa ganitong setup kaya hindi raw talaga siya gumagalaw at nangalay na siya.

Caption niya sa post, “May batang sobrang clingy [relieved face emoji] ayaw magpaiwan sa crib niya.”

“As a kabadong mom, na hindi sanay mag co sleep,, ngalay na ngalay po tayo ngayon opo. Walang galawan ang ina, at outside the kulambo naman ang ama [winking face with tongue emoji] hay… magandang umaga sa lahat! Lalo na sa mga ina na more more ang body pain [happy face emoji],” chika pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Sa comment section ng post ni Angelica ay mababasa na marami ang nakaka-relate sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“So relate! Hang in there.. co-sleeping is hard but so worth it.. eventually, magiging malikot ‘yan at hindi ka na maiilang masyado.”

“Co-sleeping and contact naps are the best pero more more ngalay talaga [laughing emoji]”

“Mas maganda ‘yan mas lalong malapit sayo ang baby, feeling nila very secure sa feeling ng ina.”

Matatandaang noong January 2021 nang isinapubliko nina Angelica at Greg ang kanilang relasyon at as of this writing, halos sampung buwan na silang “engaged.”

Noong Marso, inanunsyo ni Angelica na siya’y buntis at ipinanganak niya ang first baby nila ni Greg noong Setyembre.

Related chika:

B-day hirit ni Alex para kay Toni: Inspirasyon kita sa lahat ng bagay, lagi mo kasing ginagalingan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Paul Salas aminadong ‘clingy’ na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending