B-day hirit ni Alex para kay Toni: Inspirasyon kita sa lahat ng bagay, lagi mo kasing ginagalingan! Bandera

B-day hirit ni Alex para kay Toni: Inspirasyon kita sa lahat ng bagay, lagi mo kasing ginagalingan!

Ervin Santiago |January 20,2022
share this

B-day hirit ni Alex para kay Toni: Inspirasyon kita sa lahat ng bagay, lagi mo kasing ginagalingan!

Ervin Santiago January 20, 2022 - 07:14 PM

Toni Gonzaga at Alex Gonzaga

“CLINGY baby sister forever!” Yan ang paglalarawan ng TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga bilang kapatid ni Toni Gonzaga.

Paandar ang birthday greeting ni Alex para kay Toni na nagse-celebrate ng kanyang ika-38 kaarawan ngayong araw, Jan. 20.

Binati ng YouTuber si Toni sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan ibinandera nga niya na ito ang nagsisilbing inspirasyon niya para magtagumpay sa lahat ng bagay.

“Happy birthday ate. You are an inspiration to me in everything that you do! Sa lahat ng bagay lagi mo kasi ginagalingan,” ang inilagay niyang caption sa ipinost niyang litrato ni Toni sa IG.

“I will always be your clingy baby sister forever! We’ll celebrate our birthday together soon. Love you ate!” hirit pa niya.


Samantala, hindi rin siyempre nagpahuli ang filmmaker at movie producer na mister ni Toni na si Paul Soriano, sa pagbati sa kanyang special day.

Nag-upload si Direk Paul ng ilang litrato ng kanyang misis kasama ang anak nilang si Seve sa Instagram Stories kalakip ang maikling birthday greeting.

Nagpasalamat naman si Toni sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa kanyang kaarawan. Super thankful and grateful din daw siya sa pagiging “healthy and happy” sa kabila ng pandemya.

“Thankful for your birthday greetings and love. Grateful to be healthy, whole and happy! This is my 38th,” pahayag ng TV host-actress at vlogger.

Anim na taon nang nagsasama bilang married couple sina Toni at Paul. Ikinasal sila sa isang simbahan sa Taytay, Rizal noong June, 12, 2015.

Sa isang panayam, inamin ni Toni na tulad ng ibang mag-asawa dumaraan din sila sa mga pagsubok.

“Hindi perfect ang relationship. Pero together, after overcoming every struggle, na-pe-perfect through time. Parang cooking lang yan.

“The biggest surprise for me was the submission part. Doon ako na-surprise. Pero ang ganda pala pag nag-su-submit ka sa husband mo. Kasi that was really how it was. That’s the order. 

“Yun ang order talaga na ginawa sa male at female, for the female to submit to the guy because nagkakaroon ng harmony. That’s how you honor him as your husband,” aniya pa.

Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Cherry Pie mas selosa, mas clingy, mas ma-effort na dyowa kesa kay Edu

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending