Alex sa pagkapanalo ni Mikee: Tuloy na ang dobleng putukan namin ni Vice!
Eleksyon 2025 - May 14, 2025 - 01:50 PM

Mikee Morada at Alex Gonzaga
TODO ang pasasalamat ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa lahat ng sumuporta at bumoto sa asawa niyang public servant na si Mikee Morada.
Wagi bilang vice mayor ng Lipa City, Batangas si Mikee kaya naman nagbubunyi ngayon ang kanyang pamilya at mga tagasuporta.
Siyempre, kung may isang taong tuwang-tuwa at labis ang pasasalamat sa kanyang tagumpay, yan ay walang iba kundi ang loving and ever supportive wifey niyang si Alex.
Idinaan ng TV host at content creator sa Instagram ang kanyang mensahe para kay Mikee at sa mga taong naniwala at bumoto sa kanya, kalakip ang mga litrato na kuha sa kanilang pangangampanya.
“Thank you Lord Jesus! Thank you po mga Lipeño!” simulang pahayag ni Alex.
“Nagsimula ang taon namin mag-asawa na may lungkot sa puso. Pero unti-unti, nakikita ko kung paano nakatulong ang mga Lipeño para mapawi ang lungkot at pananabik ng asawa ko sa isang bagay na matagal na naming hinahangad.
“Sa tuwing umuuwi siya, kitang-kita ko ang genuine na tuwa sa kanyang mga mata tuwing nakakasama niya ang kanyang mga kababayan,” saad ng vlogger.
View this post on Instagram
Pinuri rin niya ang magagandang katangian ni Mikee bilang asawa at public servant kaya naman talagang minanahal siya ng mga kapwa Lipeños.
“Napakababa ng loob mo–mapagpakumbaba kang humingi ng suporta, magalang mong ipinakita ang buong puso mong dedikasyon sa serbisyo.
“Kaya naman, kasama ang buong pamilya, buong puso ka naming sinuportahan at sinamahan, kahit hindi ka humihingi ng tulong.
“Maraming, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa aking asawa. Thank you po!” sabi pa ni Alex.
“Sorry sobra pong seryoso at drama pero wag kayo mag-aalala dahil matutuloy na ang dobleng putukan namin ni Vice Mayor!” ang birada pang biro ni Alex.
Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati kay Mikee mula sa mga followers ni Alex kabilang na ang mga kaibigan nilang celebrities tulad nina Isabelle Daza at KC Concepcion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.