David Licauco muntikang maging housemate sa ‘PBB’: ‘I was considered this year’

PHOTO: Facebook/David Licauco
MUNTIK na palang maging opisyal na housemate si David Licauco sa “Pinoy Big Brother: Celeb Collab!”
Pero ayun nga, hindi natuloy kaya naging houseguest lang siya kamakailan lang.
Sa isang Instagram post, binalikan ni David ang mga hugot at history niya sa loob at labas ng Bahay ni Kuya.
Hindi alam ng madla, sumubok din pala siya noon na makapasok bilang regular housemate.
Baka Bet Mo: David Licauco inireklamo sa barangay dahil sa ‘ding-dong ditch’
“Wow. Crazy to think I once lined up for PBB auditions in 2015… and years later, I got to be a houseguest,” bunagd ni David, kalakip ang picture na naka-name tag pa sa harap ng PBB House.
Aminado rin ang heartthrob actor na nabigla siya sa mga ganap sa loob ng bahay.
“It was different from what I imagined—there is really magic inside Big Brother’s house,” sey niya.
chika pa ni David. “I may have been quiet, but I learned a lot about myself. Truth is, no one really knows what it’s like inside unless you’ve lived it.”
Kasunod niyan, nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya sa loob ng bahay, kahit daw may ilan na nainip sa kanyang “calm and collected” vibes.
Humingi pa siya ng sorry sa mga nagsabing “boring” siya.
Bukod diyan, nagbigay rin siya ng shoutout sa kanyang fellow housemates na umano’y tumanggap sa kanya ng buong-buo.
“Warm welcome and solid conversations,” paglalarawan niya sa IG.
At ang plot twist niya sa dulo, “I was actually considered to be a housemate earlier this year,” ngunit hjndi nabanggit kung bakit nauwi siya sa pagiging house guest.
View this post on Instagram
Bukod kay David, ilan pa sa mga celebrity houseguests ngayong season ay sina Michelle Dee, BINI members na sina Jhoanna at Stacey, Korean oppa Kim Ji-soo, at Donny Pangilinan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.