Paul Salas aminadong 'clingy' na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending | Bandera

Paul Salas aminadong ‘clingy’ na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending

Ervin Santiago |October 16,2022
facebook
share this

Paul Salas aminadong ‘clingy’ na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending

Ervin Santiago - October 16, 2022 - 11:45 AM

Paul aminadong 'clingy' na dyowa kay Mikee; pananampal ni Barbie kay David trending

Barbie Forteza, David Licauco, Paul Salas at Mikee Quintos

AMINADO ang Kapuso hunk actor na si Paul Salas na talagang isa siyang certified clingy boyfriend  kay Mikee Quintos.

Pero agad naman niyang nilinaw na hindi niya ito ginagawa para gwardiyahan o mabantayan nang bonggang-bongga ang dalaga kapag nasa public place sila.

Sa bago niyang vlog sa YouTube na may titulong “Assumptions About Me” ay natanong siya kung totoong clingy siya sa kanyang dyowa.

“Yes, kumpirmado ka diyan!” ang mabilis niyang sagot. Kung hindi kami nagkakamali, ito na ang ikalawang beses na inamin ni Paul ang tungkol sa nasabing assumption sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


“Na-confirm din naman ni Mikee sa recent vlog namin ng Couple’s Quiz. Gusto ko lagi kong nakakausap, gusto ko lagi kong naha-hug,” paliwanang ng binata.

Paliwanag pa ni Paul, may mga panahong grabe ang pagiging clingy niya kay Mikee. Kusa na lang daw lumalabas ang ganitong katangian niya kapag magkasama sila.

“Sobra minsan ‘yung pagka-clingy ko, yes aminado din naman ako diyan. Tawag ako nang tawag. Pero hindi ko naman siya binabantayan, walang ganu’n. Mami-miss ko lang siya lagi,” sey pa ni Paul.

Magkasama ngayon ang magdyowa sa pinakabagong teleserye ng GMA, ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” na pinagbibidahan din nina Angel Guardian, Thea Tolentino, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez.

Magsisimula na ito sa October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Ian Loreños.

* * *

Gabi-gabing pinag-uusapan ng viewers at netizens ang hit historical portal fantasy series ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra.”

Nakatutok talaga ang mga manonood sa paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal. Pero isa rin sa inaabangan ngayon ng fans ay kung may mabubuong pagtitinginan ba sa pagitan nina Klay at Fidel (David Licauco) na binansagan bilang “FiLay”.

Sa episode last October 12, nagkainitan sina Klay at Fidel habang nagdidiskusyon tungkol sa pagiging makapangyarihan ng mayayaman.

Ayon kay Klay, hindi dapat maging makasarili at abusado ang mga taong nakakaangat sa lipunan gaya ng mga negosyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Aviles Hair Makeup Artist (@toniaviles)


Buwelta naman ng mestizong si Fidel, “Ano bang alam ng isang babaeng kagaya mo sa mga komplikasyon, proseso at paraan ng pagnenegosyo?” Dito na napa-English ang ating Gen Z Maria Clara at sinabing, “Your idiotic and misogynistic outburst is quite annoying!”

Papalag na dapat si Fidel kay Klay pero pinigilan siya ni Ibarra (Dennis Trillo). Laking gulat naman ng mga ginoo nang biglang sampalin ni Klay si Fidel.

Napa-comment tuloy ang ilang netizens sa Facebook page ng GMA Drama. Sabi ng isang netizenz, “Red flag si Fidel pero team #FiLay pa rin ako. Kahit nag-aaway, nakakakilig pa rin! Ang intense nito. Galing niyo talaga, nangangamoy award ang acting!”

The more you hate, the more you love nga ba? Or hanggang enemies na lang talaga sina Klay at Fidel? Subaybayan ang past with a twist sa “Maria Clara at Ibarra”, mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending