Charo Santos-Concio first time makaranas ng walang script sa tagal na sa pag-arte: Napakaibang experience po ito para sa akin | Bandera

Charo Santos-Concio first time makaranas ng walang script sa tagal na sa pag-arte: Napakaibang experience po ito para sa akin

Reggee Bonoan - May 06, 2023 - 06:17 PM

Charo Santos-Concio first time makaranas ng walang script sa tagal na sa pag-arte: Napakaibang experience po ito para sa akin

Charo Santos-Concio. Photo: Instagram @dreamscapeph

DAHIL laging improvise ang mga linyahan sa “FPJ’s Batang Quiapo” lalo na kapag si Coco Martin ang direktor ay kailangan mabilis ang pick-up mo at hindi puwede ang tutulog-tulog or else maiiwan ka sa pansitan.

Kanya-kanyang kuwento ang bawa’t artistang dumalo sa nakaraang grand mediacon ng “FPJBQ” kung paano ang batuhan nila ng linya lalo na kung hindi ito ni-rehearse o walang abiso si direk Coco.

Tulad ni Lola Tindeng na ginagampanan ni Ms. Charo Santos-Concio na ngayon lang siya nakaranas ng walang script sa tinagal-tagal niyang umaarte sa harap ng camera before and after niyang maglingkod bilang Chief Content Officer at Presidente ng ABS-CBN. Talagang inaaral niya at kailangan attentive sa sasabihin ng bawa’t ka-eksena.

Aniya, “Napakaibang experience po ito para sa akin kasi may mga eksena kami ni Coco na hindi naman namin ni-rehearse tapos biglang may itatanong siya sa akin [na] walang clue. Bigla na lang niyang itatanong kaya huhugot ka talaga sa pagkakaintindi mo sa karakter mo at hinihingi ng eksena kaya minsan nagtatanong ako (sarili), ire-reveal ko na baa ng mga alam ko?

“Naku hindi puwede kasi baka mapadali ang kuwento [ng Batang Quiapo]. So, it’s a very difficult experience kasi improv (improvise) na kaya you have to be quick on your toes.

“And napakasarap kasi pag lumalabas ako hindi ‘ma’am Charo’ sa akin kundi Lola Tindeng, so, happy naman ako Tanggol (sabay tapik sa likod) aking apo na nakinig ka sa mga pangaral ko at babaguhin mon a ang takbo ng iyong buhay.”

True ba na may ilang proyekto na si Ms Charo o CSC (tawag sa kanya) na medyo nahihirapan na siya kapag may script? Kasi nga nasanay na siya na wala.

“I had to re-adjust kasi kasama ‘yan. Kasi sa kanya (Coco) bato-bato (linya) kaya kailangan sharp ang memory mo. E, pagbato niya dapat memorize mon a kaagad,” sagot ng premyadong aktres.

Si Direk Malu Sevilla naman ang namamahala sa 2nd unit kaya another adjustment na naman ito kay Ms Charo.

“Pagbalik ko kay Direk Malu ‘yung traditional way na may reading tapos may script, (sabay hawak sa ulo), hayz, parang namumurol yata utak ko, ha, ha, ha. Pero ngayon marunong na (ako) flexible na kahit saan mo dalhin,”natawang tsika nito.

Ang napansin pa ng dating lady boss ay ang ganda ng samahan ng cast members sa Batang Quiapo dahil nagtutulungan lahat, hindi lang bilang artista na mahuhusay.

“Grabe ang energy nilang lahat very collaborative,” sambit ni CSC.

Anyway, hindi lahat ng araw ay maganda ang gising kaya paano naman ang mga araw na bad day ka.

Sabi kaagad ng aktres, “walang bad day kasi artista ka! Iwanan mo ang bad day mo sa bahay.”

Baka Bet Mo: ‘MMK’ ni Charo Santos-Concio posible pa kayang mapanood muli sa ABS-CBN?

Sa madaling salita walang nagdadala ng bad day nila sa set ng BQ.

Naloka ang lahat sa sagot ni lola Tindeng, “wala, si John (Estrada).”

Grabe ang tawanan ng lahat sa mediacon pati si John ay natawa rin.

Sabay bawi ni Ms Charo, “super professional. Joke! (sabay hawak sa pisngi ng aktor).

Base sa obserbasyon namin ay tinatanong ni CSC ang aktor kung nagalit dahil umiling naman ito.

Ano ang reaksyon ni John sa biro ng dati niyang boss, “salamat (sabay tingin.”

Samantala, hiningan ng reaksyon si Ma’am Charo tungkol sa isyung maraming nagre-reklamong vendors sa Quiapo dahil nawawalan na sila ng benta dahil shooting ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

“Ang observation ko naman, may paggalang naman ang buong produksyon sa mga tao do’n at sa lugar. Wala akong naramdaman na hindi kami welcome.

“Maayos na maayos naman kaya nagulat nga ako nung nagkaroon ng konting issue, konting ingay, oo, kasi maayos naman, eh.

“Wala akong recollection na may kahit nagparinig, welcome. Very welcome kami dun sa lugar, mababait sila sa amin. Ang maipagmamalaki ko maayos ang produksyon at iginalang ng produksyon ang lugar,”kuwento nito.

Mas naging tourist spot nga raw ang Quiapo ngayon dahil nga maraming nagpapa-picture sa mga lugar kung saan nagso-shooting ang cast members at kanya-kanyang lagay ng caption na nakarating sila sa lugar.

Kaya panay ang pasalamat ni Ms Charo sa lahat ng miyembro ng press, vloggers, online writers na malaki ang naitutulong sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sa magagandang nasusulat na nababasa ng lahat hanggang ibang bansa para manatiling number one show ng Kapamilya network.

Oo nga base sa araw-araw na inilalabas ng AGB Nielsen ratings sheet ay ang “FPJ’s Batang Quiapo” ang nasa number 2 slot pagkatapos ng “24 Oras” ng GMA 7.

Isa pang ibinalita ay mag-iikot sa iba’t ibang sulok sa Pilipinas ang ilang cast members ng “FPJ’s Batang Quiapo para sa kanilang ‘Katok Buhay’ kung saan masayang ibinabahagi ng mga manonood ang kani-kanilang paboritong karakter at eksena sa palabas.

Mapapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Chika:
Bakit tinanggap ni Charo Santos-Concio ang pelikulang ‘Kun Maupay Man It Panahon’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charo Santos inatake rin ng anxiety dahil sa pandemya: Hinarap ko yung takot ko sa COVID

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending