Bakit tinanggap ni Charo Santos-Concio ang pelikulang ‘Kun Maupay Man It Panahon’?
SA virtual mediacon ng pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon” ay diretsong tinanong si Ma’am Charo Santos-Concio kung bakit niya tinanggap ang pelikula considering na baguhan ang direktor na si Carlo Francisco Manatad bukod pa sa sobrang hirap ang shooting nito plus hindi glamorosa ang itsura ng dating Presidente at Chief Executive Officer ng ABS-CBN at sa kasalukuyan ay nagsisilbing Chief content officer at presidente ng ABS-CBN University.
“Nu’ng in-offer kasi sa akin itong materyal pagkabasang-pagkabasa ko I was drowned to the story and I was drowned to the character but the script sent to me was written in English.
“Ang ganda-ganda ng flow ng narrative tapos at na-excite rin ako that I can have the opportunity to work with DJ (Daniel Padilla) kasi nakita ko ang batang ito na nagbinata ha, ha, ha. So, sinusundan ko talaga mga projects ni DJ. And I was told that I will be working with a new director I welcome the challenge and I welcome the opportunity,” paliwanag ni ma’am Charo.
Bukod sa na-check na ng TV executive ang mga nagawa ni direk Carlo na naging editor pa ng mga pelikula ni direk Chito Rono ay napabilib siya nu’ng nag-meet sila kung paano nito ikuwento ang nangyari sa Yolanda dahil nga base ito sa personal niyang experience na naging biktima ang buong pamilya niya sa Tacloban City.
Nag-aral ng Waray si ma’am Charo bilang ito ang lengguwaheng ginamit sa pelikula.
“Gustung-gusto ko ‘yan. Binigyan naman kami ng pagkakataon na magkaroon ng reading sessions with Direk Carlo, nagkaroon kami ng three reading sessions full script. Pagkatapos sa set marami kaming rehearsals plus the dialogue coach.
“Nu’ng ipinadala na sa akin ang script in Waray, natanong ko ang sarili ko kung ano ba itong napasukan ko, ha, ha, haha. Pero nu’ng naintindihan ko na ang context saka si DJ is also affirming sabi niya, ‘mam madali lang ‘yan lumaki ako sa Tacloban madali lang yan.’ Relax sa set saka nagtulungan talaga kami kaya na-enjoy ko na. Pero ‘wag na kayong hihingi ngayon ng salita, ang masasabi ko lang ay ‘yung titilo Kun Maupay Man It Panahon,” tumatawang pahayag ng premyadong aktres.
View this post on Instagram
Kung si ma’am Charo ay nagustuhan ang kuwento ng pelikulang ito na mapapanood na simula sa Sabado, December 25 bilang entry ng Quantum Films, iWantTFC, Black Sheep, ABS-CBN Star Cinema, Dreamscape Entertainment sa 2021 Metro Manila Film Festival ay ganito rin ang paliwanag ng isa sa producer na si Atty. Joji V. Alonso.
Noong sinu-shoot palang ang “Kun Maupay Man It Panahon” (Whether the Weather is Fine) ay nakakuwentuhan namin si Atty. Joji at inamin niyang sobrang hirap ng shooting ng pelikula ni Direk Carlo dahil bukod sa malaking budget ang kailangan ay marami silang kakailanganing talents na gaganap bilang mga biktima ng bagyong Yolanda.
‘Yung location pa na dapat sakto sa itsura pagkatapos ng bagyo, sa madaling salita kakailanganin ng malaking lugar doon mismo sa Tacloban City kung saan ginawa ang shooting.
May mga ipinakita pa sa amin ni Atty. Joji ang mga larawan ng location na ipinadala sa kanya ng producer niya na napa-wow kami dahil ang ganda. Ang galing ng production design (PD) niya na natapos ng wala pang 24 oras kasi nga need na mag-shoot agad-agad kasi ‘yung availability nina Daniel Padilla at ni Ma’am Charo Santos-Concio na ililipad pa ng Tacloban tapos babalik ng Maynila.
Tanda namin ay natanong namin ang producer kung bakit niya prinodyus ang “Kun Maupay Man It Panahon” ay dahil nagustuhan niya ang istorya ni direk Carlo na taga-Tacloban mismo at biktima ang buong pamilya niya.
Sabi pa nito noong nakausap namin sa announcement ng walong pelikulang kasama sa 2021 MMFF ay hindi niya inaasahang mababalik ang puhunan nila na abot sa P65M pero masaya siya dahil napanood na ito sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa at maraming awards na nauwi kaya panahon na rin para mapanood ito mismo sa Pilipinas.
Related Chika:
Pelikula nina Daniel at Charo lalaban sa 74th Locarno filmfest sa Switzerland
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.