Kylie 1 linggong inatake ng anxiety matapos basahin ang script ng ‘Unravel’, pakiusap ni Gerald: Always be kind…
ONE week inatake ng anxiety ang Kapuso actress na si Kylie Padilla pagkatapos mabasa ang buong script ng bago niyang pelikula, ang “Unravel” kasama ang Kapamilya hunk na si Gerald Anderson.
Aminado si Kylie na totoong natakot siyang gawin ang naturang pelikula na isa sa walong official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa April 8, Black Saturday.
Sa naganap na press preview at presscon ng “Unravel” last Wednesday, naibahagi ni Kylie na may kakaibang takot siyang naramdaman nang ialok sa kanya ang movie dahil nga sa sensitibo at napapanahong tema nito.
Pag-amin nga ng aktres, isang linggo siyang na-depress matapos mabasa ang script na may kaugnayan sa mental health.
View this post on Instagram
“Natakot ako kasi sobrang dark ng subject matter. But as an actress, I step into Lucy’s point of view kaagad. And sa story niya human connection saved her life and I think dahil nga sa pinagdaraanan nilang dalawa they needed human connection.
“And after reading it (script) kahit na-anxiety ako ng isang linggo nagkaroon ako ng kaunting hope na sana ang mga manonood nito maramdaman nila na hindi sila nag-iisa and there are always a chance for a second chance in life.
“Just give a chance for people, other people to give that hope parang ganoon,” ang pagbabahagi ni Kylie kung bakit niya tinanggap ang pelikula.
Paalala pa niya sa mga taong patuloy na lumalaban sa kanilang mental health issues, “Never loose hope in trying again. And I thought so much empathy in her character kaya gusto ko siyang gawin kahit natakot ako.
Baka Bet Mo: Gerald bumilib sa tapang ni Kylie, hindi umatras sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Unravel’: Grabe siya!
“Pero I feel like ‘yung subject matter is a good conversation starter kasi this is reality and people go through this and if we have more awareness about it if maybe open tayong pag-usapan, maybe we can save more people,” lahad ng aktres na napakagaling sa nasabing pelikula.
Pahayag naman ni Gerald about their film, “Ikinukuwento pa lang sa akin, na-fascinate na ako na gawin. Kasi as an actor hindi ko pa nata-tackle iyong ganitong kuwento, iyong ganitong character, itong ganitong journey namin, so that really excited me. So ayun just an awareness sabi nga ni direk (RC delos Reyes).
View this post on Instagram
“Actually motto ko ito sa buhay na always be nice lalo na sa mga stranger na hindi natin kilala kasi hindi natin alam na may pinagdaraanan.
“At mayroon tayong kanya-kanyang journey sa buhay na pinagdaraanan, tulad ng nasa film na iyong pinagdaraanan ni Lucy (role ni Kylie) iba sa pinagdaraanan ni Noah (role niya).
“Kanya-kanya iyan eh, lahat tayo may kanya-kanyang pinagdaraanan. So just be nice, respectful, always be kind,” sey pa ng aktor.
Isa sa mga natalakay sa kuwento ng “Unravel” ay ang tinatawag na voluntary assisted death (VAD) sa Switzerland kung saan kinunan ang kabuuan ng movie.
Ang VAD ay isang legal na practice sa ilang mga bansa na pinapayagan ang isang tao na tapusin ang kanyang buhay basta’t makapasa sa mga requirements. Yan ang balak gawin ni Lucy (Kylie), isang Filipina executive na humaharap sa clinical depression.
Sa kabila ng kanyang tagumpay sa napiling larangan, nagdesisyon siyang lumipad sa Switzerland para kumuha ng serbisyo ng boluntaryong pagpapakamatay. Ngunit nagbago ang kanyang mga plano nang makilala si Noah (Gerald), isang Filipino-German na naninirahan sa Switzerland na ang misyon ay mailigtas ang mga taong nais magpakamatay.
Watch n’yo na lang kung itinuloy ba ni Lucy ang kanyang plano o nahikayat ba siya ni Noah na huwag nang magpakamatay. Ang “Unravel” ay mula sa MavX Productions, sa direksyon ni RC delos Reyes.
KC umaming certified Sharonian: I am her biggest fan, ang galing lang talaga niya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.