Gerald bumilib sa tapang ni Kylie, hindi umatras sa mga buwis-buhay na eksena sa 'Unravel': Grabe siya! | Bandera

Gerald bumilib sa tapang ni Kylie, hindi umatras sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Unravel’: Grabe siya!

Ervin Santiago |January 09,2023
facebook
share this

Gerald bumilib sa tapang ni Kylie, hindi umatras sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Unravel’: Grabe siya!

Ervin Santiago - January 09, 2023 - 07:56 AM

Gerald bumilib sa tapang ni Kylie, hindi umatras sa mga buwis-buhay na eksena nila sa 'Unravel': Grabe siya!

Gerald Anderson at Kylie Padilla

BUMILIB si Gerald Anderson sa tapang at pagiging professional ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na first time niyang nakatrabaho sa isang pelikula.

Sina Gerald at Kylie ang bida sa pelikulang “Unravel” na isang collaboration project ng Star Magic at MavX Productions mula sa direksyon ni RC delos Reyes.

In fairness, sa trailer pa lang ng movie na kinunan pa sa Switzerland ay ramdam na ramdam na ng mga fans ang matinding chemistry nila on screen.

Sabi nga namin, mukhang may kapalit na si Piolo Pascual bilang Ultimate Leading Man sa Kapamilya Network dahil kahit sino ang itambal kay Gerald ay bagay sa kanya.

Sa naganap na presscon ng “Unravel” nitong nagdaang Biyernes, January 6, ay inamin ni Kylie na hindi niya in-expect na makakagawa siya ng pelikula kasama ang isang Kapamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi I’ve been a supporter, I’ve watched their films. It’s an honor to be working with someone I’ve admired. Hanggang ngayon talaga, parang ‘di ako makapaniwala. I learned a lot,” pahayag ng Kapuso star.

Nagpaliwanag naman ang ABS-CBN executive na si Lauren Dyogi kung bakit napasama si Kylie sa project ng Star Magic at MavX.

“Baka kasi may magtanong diyan, ‘Is Kylie switching to Star Magic?’ No. We have the honor and Gerald had the honor to work with Kylie.

“MavX decided on it. Sila ‘yung may hawak nu’ng material. Kabisado nila kung saan nila dadalhin ‘yung proyekto. It was not really a difficult decision to make.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


“Magaling na artista. She’ll be a good partner to Gerald. Just looking at them, maganda naman ‘yung chemistry. It’s no brainer to consider Kylie,” sabi pa ni Direk Lauren.

Samantala, alam daw ni Gerald ma magaling na aktres si Kylie pero mas tumindi pa raw ang paghanga niya rito nang gawin ang mga buwis-buhay stunts sa kanilang movie tulad ng skydiving at bungee jumping sa Switzerland.

“Nakakabilib talaga si Kylie dahil medyo may mga intense at nakakatakot na ginawa namin na nakita niyo sa trailer.

“Pero for the passion, for the love of the movie, for the love of Mavx, talagang ginawa niya. Yung professionalism niya, ‘yung pasison niya para sa trabaho,” chika ni Gerald.

Para kay Gerald, refreshing din ang makatrabaho ang isang artistang mula sa ibang TV network lalo pa’t napaka-professional ni Kylie at game na game sa lahat ng ipinagagawa sa kanya ng production.

Ang “Unravel” ay isa sa tatlong pelikulang inihanda ng Star Magic and Mavx Productions sa unang bahagi ng 2023, ang dalawa pa ay ang “The Swing” nina RK Bagatsing at Jane Oineza at ang “I Love Lizzy” nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.

Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

Mikael, Ruru na-shookt sa tapang at diskarte nina Glaiza, Lexi at Angel sa ‘Running Man PH’: ‘OMG! Grabe sila!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending