Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho | Bandera

Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

Therese Arceo |May 20,2022
facebook
share this

Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

Therese Arceo - May 20, 2022 - 03:49 PM

Kylie Padilla hinangaan sa pag-aasikaso ng anak kahit nasa gitna ng trabaho

BUMILIB ang madlang pipol sa pagiging maalagang ina ng aktres na si Kylie Padilla dahil kahit na nasa trabaho ito ay hindi pa rin niya nakakalimutang intindihin ang kapakanan ng anak.

Kasama kasi ng aktres ang panganay nila ng dating asawang si Aljur Abrenica na si Alas Joaquin sa product launching ng kanyang ineendorsong produkto.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang umiyak ang panganay ni Kylie habang sinasagot nito ang mga tanong sa kanya ng mga hosts ng event na sina Ryan Bang at Jean Kiley.

“That’s my son. I’m sorry,” saad ni Kylie habang sumisenyas ng “wait lang” sa anak ngunit hindi pa rin ito tumatahan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Agad naman itong humiling sa mga hosts at sa mga taong nasa event kung maaari na lamang bang paupuin sa tabi niya ang anak.

“Is it okay? Paupuin ko muna siya sa tabi ko,” dagdag ni Kylie.

Humingi rin ito ng tawad dahil hindi hindi niya nabihisan ng pangmalakasang pamorma ang anak dahil hindi naman niya inaasahan na tatabi ito sa kanya sa entablado kaya naman simpleng shirt, short at jacket lamang ang suot-suot nito.

Gumawa rin ng paraan sina Ryan at Jean para naman hindi mailang at maging komportable si Alas habang nagtatrabaho ang kanyang Mommy Kylie ngunit mukhang sa tabi lang ng ina ito tatahimik kaya nagsumiksik ito sa kinauupuan ng ina.

Makikita namang naging payapa na ang kalooban ng bata ng mapalapit sa ina at bahagyang tumigil na rin ito sa pag-iyak.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kylie inatake ng anxiety habang nasa shooting, ‘ginamot’ ng alagang aso: Canine therapy is real!

Sey ni Kylie ngayong single na uli siya: Ang dami kong natututunan sa sarili ko…pero siyempre, masakit pa rin

Kylie naka-move on na sa hiwalayan nila ni Aljur: I’m really, really happy now!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending