Sey ni Kylie ngayong single na uli siya: Ang dami kong natututunan sa sarili ko...pero siyempre, masakit pa rin | Bandera

Sey ni Kylie ngayong single na uli siya: Ang dami kong natututunan sa sarili ko…pero siyempre, masakit pa rin

Ervin Santiago |April 30,2022
facebook
share this

Sey ni Kylie ngayong single na uli siya: Ang dami kong natututunan sa sarili ko…pero siyempre, masakit pa rin

Ervin Santiago - April 30, 2022 - 07:51 AM

Jake Cuenca at Kylie Verzosa

DIRETSAHANG inamin ng dating beauty queen at Kapamilya actress na si Kylie Verzosa na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon sa paghihiwalay nila ni Jake Cuenca.

Pero tina-try na raw niyang mag-move mula sa napakasakit na breakup nila ng award-winning actor sa pamamagitan ng pagtatrabaho at iba pang bagay na pagkakabisihan.

In fairness, ibang-iba na ang aura ni Kylie nang um-attend siya sa bonggang summer launch ng Viva Entertainment at Vivamax kamakailan kesa nang una namin siyang makita sa face-to-face presscon ng bago niyang pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal” katambal si Zanjoe Marudo.

Mas maaliwalas na kasi ang itsura niya sa summer event ng Vivamax, patunay na unti-unti na siyang nakakawala sa malungkot na pangyayari sa kanyang lovelife.

Sa katunayan, nagdadalawang-isip nga raw si Kylie na pumunta sa Vivamax mediacon pero naisip niya na kesa magmukmok lang siya sa bahay ay bakit hindi siya makisaya sa summer event ng kanilang talent management.

“Happy occasion talaga, sobra! Nahihirapan talaga ako, actually. I was really thinking kung pupunta ba talaga ako today,” pahayag ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Aniya pa, “My heart is getting better every day. Ang dami kong natututunan sa sarili ko. I’m still trying to find ways to cope. Pero siyempre, masakit pa rin.”

Ipinagdiinan din ni Kylie na hindi niya matatawag na failed relationship ang natapos na relasyon nila ni Jake kasabay ng pasasalamat sa pakikisimpatya sa kanila ng publiko.

“The support, the concern have been so overwhelming, at sobra ‘yung pagpapsalamat ko sa lahat. Masakit talaga ‘yung pinagdadaanan namin,” mensahe ni Kylie.

Nitong nagdaang linggo, mismong si Jake ang nagkumpirma na hiwalay na sila ni Kylie ngunit aniya mananatili sa puso niya ang tatlong taon nilang pagmamahalan.

Nag-post ang binata ng kanyang litrato hawak ang wooden figurine nila Kylie kasama ang mga alaga nilang aso na sina Nugget at Leo.

“This was us…I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. These past three years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart, but me and Kylie have decided to go our separate ways.

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger. We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets, only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to.

“I will still be here to support you, because in so many ways I feel part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. Holding hands as friends.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wherever you are or whatever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around, Kylie,” aniya sa caption.

Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Kylie Verzosa handang isugal ang buhay para sa magandang pelikula ngayong pandemya

Maine patuloy na inuulan ng blessing kahit may pandemya; 3 Kapuso star sasabak sa ‘TBATS’ dating game

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending