Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, 'Shut up na lang!' | Bandera

Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Reggee Bonoan |April 14,2021
facebook
share this

Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Reggee Bonoan - April 14, 2021 - 04:47 PM

BAKIT nga ba hindi pa nagso-sorry si Gerald Anderson kay Bea Alonzo?  Bagkus ay puro pasaring ang mga post nito sa kanyang Instagram account.

May punto de vista si Ogie Diaz kung bakit walang remorse o ayaw humingi ng sorry ang aktor sa kanyang ex-girlfriend.

“Well, kung ano si Gerald, para lang magkaroon ng closure, magri-reach out ako,” ang paniniwala ng kilalang talent manager, content provider at komedyante.

Pagpapatuloy pa niyang paliwanag, “Kahit text lang, ‘Bea sorry sa mga ano, kung na-offend man kita or nagkaroon ako ng kasalanan sa ‘yo, humihingi ako ng sorry sa ‘yo. Sana kahit hindi pa ngayon, sana dumating ‘yung time na mapatawad mo ako.’”

Sinang-ayunan naman ito ni Mama Loi na kasama sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

“Tama, kasi ang pagsasabi naman ng sorry ay simula ng pagpapatawad,” say nito.

Sabi ulit ni Ogie, “Ang pagso-sorry naman Loi ay hindi dahil mayroon kang kasalanan. Nagso-sorry ka kasi gusto mo nang matapos ito, ayaw nang humaba ito, at gusto mo nang magsimula ulit kahit hindi relasyon kundi friendship or acquaintances. Hindi rin ikababawas ng pagkatao ni Gerald kung siya ay magso-sorry.”

Matatandaan ito rin ang payo ng netizens kay Gerald na humingi na lang ng ‘sorry’ kay Bea nu’ng mag-post siya ng, “’There is peace even in the storm’ – vincent van gogh. BRP José Rizal Philippine Navy,’” sa kanyang IG account.

Anyway, mukhang mas malala ang mga komento sa YT channel ni Ogie.

Sabi ni @Vi bi, “Gerald Anderson, isang patunay na hindi lahat ng lalaki na may magandang mukha ay may respeto at magandang ugali.”

Sagot naman ni @I chusss Lang Day, “Sorry Day ei sya Guapo Wala syang leeg!! Yuck!”

Say din ni @Jean Cruz, “Gerald is a kind of guy who love himself only as all his ex doesn’t want to be near involve with him anymore he put too much trauma with them.”

Sabi ni @amazing world, “Oo nga noh ung mga exes nya ayaw mgkron ng kaugnayan sa knya. alam na this.”

Napuri naman ang isa sa ex-girlfriend ng aktor na si Maja Salvador ni @Cancer Warrior Aira, “C Maja tlga ang di nagsalita ng bad kay Gerald kasi pinahalagahan niya daw ung 2 years na nagmahalan nman sila. At ang ipinalit ni kay Maja ay c Bea which is sabi ni Maja ay nauna nman sa kanya tlga.”

May nagpayo rin kay Bea na sana manahimik na lang siya sabi ni @jerryfe1, “Bea should shut her mouth. Too much issues she wants sympathy. Boyfriend lang eh yung nanay nya iniwan pati anak. Shut up na it shows that probably she is a nagger kaya iniwan.”

Umayon din si @leovina geonzon, “Korek alam ko sa interview ni Gerald dati ilang beses subukan niya kausapin si Bea ayaw daw mkipag usap tapos narinig na lng nya sa ibng artista doon nagsasabi si Bea sa kapwa niya artista sabi ni Gerald ang dami daw nkisaw2 sa relasyun nila na hindi nman nila alam ang buong nangyare kya nagalit si Gerald kasi si Bea unang nagpaakalat ng balita tungkol sa kanya tama ka nagger si Bea.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Binasa namin lahat ng komento at in fairness maraming nagtatanggol kay Gerald dahil ginawa na raw nito ang part niya pero hindi naman siya pinansin ni Bea kaya siguro dedma na siya ngayon at wala na lang siyang gawin kundi pasayahin ng husto ang kanyang “queen” na si Julia Barretto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending