Jake umaming nagkasakitan sila ni Baron: Umuuwi akong may sugat

Jake umaming nagkasakitan sila ni Baron: Umuuwi akong may mga sugat

Ervin Santiago - October 30, 2024 - 06:10 AM

Jake umaming nagsakitan sila ni Baron: Umuuwi akong may mga sugat

Baron Geisler at Jake Cuenca

BUWIS-BUHAY ang mga ginawang fight scenes nina Jake Cuenca at Baron Geisler sa bago nilang pelikula, ang “The Delivery Guy”.

Grabe! As in grabe raw ang mga pinaggagawa nilang eksena ni Baron sa movie na mapapanood sa Netflix mula sa direksyon ni Laster Pimentel Ong.

Kuwento ni Jake nang makapanayam ng ilang piling miyembro ng media kamakailan kabilang ang BANDERA, matagal na silang magkakilala ni Baron at talagang masasabi niyang napakagaling talagang artista ng aktor.

“Working with Baron, I think, at this point in our lives, at this age, it was so much more parang collaborative, I would say.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinawagan ni Baron Geisler, nag-away nga ba?

“I think parang at our age, siguro with how long we’ve known each other, we’re so much open to each other’s suggestions.

“In fact, like, parang kahit sa fight scenes, we’re really helping each other out, we’re really pushing each other to make the best scenes we could,” pahayag ni Jake.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So, parang sabi ko nga, my experience working with him in this movie was a really good one upon looking back.

“Sabi ko, ang galing! Kasi if you really think about it, parang kung direktor ka, matatakot ka sa aming dalawa, e! ‘My God, anong mangyayari dito?!’” aniya pa.

Sa tanong kung nagkasakitan sila ni Baron sa shooting, “May days and I’m sure, I’m sure natamaan ko din siya! I’m sure. Kasi nakahanda kami.

“Alam namin na hindi magiging madali yung movie. Alam namin, magiging masakit ito. There’s gonna be accidents. Kasi kung ganito kalala yung fight scenes na pinapagawa, imposibleng wala. So may understanding na kami du’n.

“May days na umuwi ako na may mga sugat, I’m sure ganun din sa kanya. Pero yung feeling na on the way home, kahit may sugat ka, kahit may mga galos ka or scratches, e, satisfied ka. Kasi ang ganda ng eksena.

“And when I look back, pag tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin pag-uwi ko na may galos, parang I’m proud of my scars. Kasi sabi ko, ‘God, pag napanood nila itong pelikula namin ni Baron, they’re gonna love this movie!’

“So it was worth all the aches and pains, and all the bruises and all the blood shed. It was worth it. Worth it talaga,” sabi pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


Patuloy pa niya, “I can share one instance na may scene na nagkaaksidente, natamaan ko siya. So naramdaman mo na, ‘Hmp!’ Ganu’n, hino-hold niya yung patience niya.

“Tapos nagkataon, yung ako naman ang natamaan niya, ‘Hmpp!’ Ganu’n tapos parang binigay na lang namin sarili namin sa eksena. And then parang ano nga, parang ang nangyari, after every sequence ng fight, para siyang round ng boxing.

“Pupunta siya sa corner niya. Pupunta ako sa corner ko. Yung fight choreographer, minamasahe siya. Minamasahe rin ako ng choreographer ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Then after every scene, yakap. Parang pagmamahal. Pero du’n sa gitna nung eksena, yung laman ng eksena, talagang…I mean it really looked like papatayin namin ang isa’t isa,” sey pa ni Jake.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending